Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AJ Muhlach, nagkasakit kaya nagmukhang adik

 

NILINAW ni AJ Muhlach ang ukol sa balitang nalulong siya sa droga kaya ganoon ang hitsura niya.

Aniya nang makausap namin pagkatapos ng Double Barrel na handog ng Viva Films na mapapanood na sa August 2, na nagkasakit siya kaya bumagsak ang katawan niya.

Iginiit pa nitong kinailangang maging ganoon ang hitsura (hitsurang adik) niya sa pelikula dahil iyon ang ginagampanan niyang role.

“At saka may sakit nga po ako ngayon kaya pumayat din. May ano po ako sa gall blader. Andito nga po ‘yung gamot ko, ininom ko kanina sa presscon,” paliwanag pa ng actor na binitiwan na ang imaheng boy-next door dahil ibini-build-up na siya ng Viva bilang newest action star.

“Hindi rin po ako makakain ng mabuti dahil sa sakit ko ang daming bawal kainin. Hindi pa naman ako naooperahan malalaman pa next month kapag lumiit ang mga polyps, ang dami po kasing polyps. ‘Pag lumiit hindi na ooperahan.

“Kaya rin po ako pumayat dahil doon. Nag-loose nga po ako ng 8 lbs. eh for 25 days. Nawala rin ‘yung ginagawa kong workout,” paliwanag pa niya.

Kasama ni AJ sa Double Barrel sina Phoebe Walker at Jeric Raval at idinirehe ni Toto Natividad.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …