Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erwin Tulfo, umalis na sa TV5

NAGPAALAM na ang award winning newscaster, TV host, at radio commentator na si Erwin Tulfo sa TV5.

Ayon sa post ni Erwin sa kanyang Facebook account: “Good morning mga Tol at mga Bes. Para po sa kabatiran ng lahat, AKO PO AY NAGPAALAM NA SA TV5, ANG AKING NAGING TAHANAN FOR 7 YEARS, SIMULA PA PO NOONG BIYERNES, A-30 NG HUNYO.

“Personal at propesyonal na kadahilanan ang aking paglisan sa Kapatid Network. Wala po akong sama ng loob sa management ng kompanya lalo na sa may-ari nito na si Manny V. Pangilinan.

“Pero tulad sa isang pamilya, may mga bagay o pagkakataon na hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan ng anak at ng mga magulang.

“At kung ikaw ay mabuting anak, sa halip na makipagtalo o makipagaway sa iyong magulang…mas mabuti pang magpaalam ka na lang sa kanila at tahimik mo na lang lisanin ang inyong tahanan kaysa maging pabigat ka pa sa pamilya.”

Magpapahinga lang ng isang buwan ang broadcast journalist at muling babalik sa ere, “MAY BAGO NA PO AKONG TAHANAN… isang sikat na nationwide AM radio at isang kilalang TV network. Public service host po tayo sa radyo at newscaster naman sa television.”

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …