Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Rading at mga alagang mandurukot sa simbahan

Dragon LadyTALAMAK ang nagkalat na mga mandurukot sa loob ng simabahan ng Redemptorist sa Baclaran, Parañaque City.

Ang mga biktima ay pawang mga nagsisimba at taimtim sa kanilang pagdarasal kaya hindi na nararamdaman na may kamay na dumudukot ng kanilang mahalagang gamit sa loob ng kanilang bag, samantala bulsa naman ng mga lalaki sa likuran ang target dahil nandoon ang wallet.

***

Ibinulgar ng isang source na isang ‘alyas Rading’ umano ang may alaga sa grupo ng mandurukot na ang operasyon ay sa loob ng Redemptorist Church. Partikular na nag-o-operate ang mga alagang mandurukot sa araw ng Miyerkoles na napakaraming nagsisimba para mag-novena, gayondin, sa araw ng Linggo.

***

Ayon pa sa source, pagkatapos makapandukot ang mga alaga ni Rading ay tatakbo sa Aragon St., at doon magre-remit kay Rading ng mga nadukot.

Porsiyentohan ang laban ng alagang mandurukot at ni Rading, dahil kapag nahuli ang alagang mandurukot, si Rading ang tagatubos sa piyansa nito habang nasa loob ng kulungan.

***

Nabatid na meron din kontak na tunawan ng gintong alahas si Rading sakaling may alahas na nadudukot sa loob ng bag ng dinudukutan. At ang mga celfon na nadudukot ay kadalasan na nakikitang ibi-nebenta sa kalsada ng Quirino Ave. Kung minsan may mga Muslim umano na nagtitinda habang nakala-tag sa isang mesa.

***

Nakarating sa ating kaalaman na tinatrabaho na ito ng pulisya dahil bago pa lamang umanong nauupo ang  precinct commander ng Barangay Baclaran, maging ang ilang tauhan nito. Bagama’t may mga antigong pulis-Parañaque na nakatalaga rito, posibleng alam nila ito, hindi lamang nakikipag-coordinate sa bagong upong precinct commander!

***

Isang Major Arnold Alabastro ang bagong upong Precinct Commander sa Bgy. Baclaran, napakasipag sa clearing operations, kaya lang sadyang matitigas ang bungo ng illegal vendors, partikular diyan sa Redemptorist Road sa tapat ng main entrance ng Redemptorist Church. Puro de gulong ang sinasabitan ng mga panindang damit, kapag nakitang dumarating ang mga miyembro ng clearing operations mapa-MMDA o pulis, kanya-kanyang tulak ng kanilang de gulong na sinasabitan ng paninda.

Dapat siguro kompiskahin ang mga de gulong na ‘yan, ‘di ba Major? Pati na ang ginagamit na panlatag, kompiskahin din.

DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …