Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Female personality, deadma sa pasikot-sikot sa casino

LIHIM na pinagtatawanan ang female personality na ito ng mga taong kilala siya bilang laman ng mga casino.

Ito ang emote ng isa sa kanila, “Nag-o-on cam siya sa TV pero wala siyang kaingat-ingat na nakikita sa mga casino. Okey lang sana kung artista siya, pero nasa ibang larangan siya. Paano na lang ang credibility niya?”

Pero depensa ng nasabing on cam personality, matagal na niyang “isinumpa” ang pagsusugal. “Ano ‘kami? Pakiulit?! ‘Yun ba ang hindi na nagsusugal, eh, kailan lang naispatan siya sa isang mala-salon na area ng casino at tahimik na pindot nang pindot sa slot machine?!”

Eto ang nakatatawa. Kamakailan ay sumalang ang personalidad na ‘yon sa camera, iniinterbyu niya ang isang resource person hinggil sa trahedyang naganap sa isang casino.

“Imagine, ang lakas ng loob ni (pangalan niya) na tanungin kung anong floor daw ba ang casino, saan matatagpuan ang exit at kung ano-ano pang floor plan ng gusali? Juice kong mahabagin, siyang tambay ng casinong ‘yon, hindi pamilyar sa mga pasikot-sikot doon? Echosera siya!”

Da who ang on cam TV personality na ito na dating nakarelasyon ng isang sikat na TV host? Itago na lang natin siya sa alyas na Bluer Casimiro.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …