Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkuda ni Jaclyn Jose, binuweltahan ni Topacio

SAPAT na siguro ang buweltang pahayag ni Atty. Ferdie Topacio kay Jaclyn Jose na kumukuda na naman sa social media laban sa mga recycled namang sentimyento nito laban kay Jake Ejercito.

Yes, Jaclyn is on the warpath again!

Pero walang bago sa mga emote ng aktres sa kanyang socmed account. Ang ipinagtataka lang namin, hindi ba alam mismo ni Jaclyn na ‘yung joint custody case na inihain ni Jake para halinhinan nilang maalagaan ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie ay nasa hukuman na?

At dahil nasa proper courts of law na ang usapin, bakit hindi na lang hintayin ni Jaclyn ang magiging desisyon ng korte?

Sa tingin ba niya’y makatutulong ang mga socmed rants niya para hindi i-grant ng husgado ang kahilingan ni Jake, at kay Andi lang ipagkaloob ang eksklusibong kustodiya ng bata?

Kung kami kay Jaclyn, for once ay tumigil muna siya sa pagiging stage lola. Dapat nga’y si Andi ang nagtatatarang para ilaban ang anak, lola lang si Jaclyn. She’s not the mother of Ellie!

May mga pagkakataon na mas hinihingi ng sitwasyon ang pananahimik ng isang tao. Pero sa ginagawang pag-iingay ni Jaclyn—na puwede naman niyang hindi isapubliko ang bagay na maaaring idaan sa mahinahong pag-uusap—does she believe she has a winning case?

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …