Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, tuloy pa rin sa pagsusugal kahit walang trabaho

BILIB din naman ang aming source sa aktor na ito na bida sa aming kuwento.

Nitong nagdaang gabi kasi ay hindi lang nito basta natiyempuhan ang aktor sa isang sikat at dinadayong casino kundi ilang hibla lang ang distansiya nila sa kanilang mga kinauupuan.

Nasa slot machine ang sugarol na aktor, habang sinisipat-sipat ng aming source na hindi niya namukhaan.

Sa pasimpleng pagsulyap ng aming source ay nagulat na lang siya sa biglang pagbabago ng hitsura ng namataang aktor, ”Malakas naman ang buga ng aircon sa casino, pero kung bakit pinagpapawisan si (pangalan ng aktor), tagaktak kung tagaktak! At alam mo pala kung bakit? Natatalo na pala siya ng P100 thou! Sa inis, lumipat siya sa ibang slot machine, ewan kung sinuwerte na siya!”

Nagtataka rin ang aming impormante kung bakit madatung ang aktor gayong walang naman itong pinagkakaabalahang trabaho.

“I’m sure, galing sa utang ang ipinangsusugal niya! ‘Di ba, balitang mahilig siyang mangutang sa mga mayayaman niyang kaibigan?” sey pa ng aming tipster.

Da who ang tinutukoy niyang sugarol na aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Filemon Labrador.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …