Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cayetano kompirmado

051817_FRONT

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kapalit ni Officer in Charge (OIC) Under Secretary Enrique Manalo, pumalit kay dating Secretary Perfecto Yasay, na ibinasura ng komisyon ang kompirmasyon dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship.

Halos wala pang limang minuto at hindi pa nakauupo sa kanyang upuan, agad kinompirma ng komisyon ang nominasyon ni Cayetano.

Magugunitang nauna nang inihayag nina Senate President Koko Pimentel, at Committee on Foreign Relation chairman, Senador Panfilo “Ping” Lacson, magiging madali lamang ang kompirmasyon ni Cayetano bilang paggalang sa kanya ng dating mga miyembro ng komis-yon.

Wala kahit isang miyembro ng komisyon ang tumutol at kumuwestiyon kay Cayetano bagkus ay napakaraming miyembro ang nag-se-cond the motion sa rekomendasyon ni Lacson, kabilang sina Senators Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, at JV Estrada.

Ngunit bigo sina Social Welfare and Development Secretary Judith Taguiwalo at Health Secretary Pauline Ubial, na makompirma ng komis-yon.

Ikinatuwiran ni Pimentel, hindi naisalang si Taguiwalo dahil sa kakulangan nang sapat na panahon, habang mara-ming komokontra kay Ubial at maraming katanungan.

ni Niño Aclan

CAYETANO WELCOME
ADDITION SA GABINETE
— PALASYO

051817 duterte cayetano

NANINIWALA ang Palasyo na sisigla ang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa sa pagkompirma ng Commission on Appointments (CA) sa appointment ni Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Secretary Cayetano’s experience and legal acumen shall enrich the leadership of the Department of Foreign Affairs (DFA) and promote and enhance our international relations with the countries of the world,” ani Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Isang “welcome addition” aniya si Cayetano sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Secretary Cayetano is a welcome addition to the President’s official family.  As Chairman of the Senate Committee on Foreign Relations of the 17th Congress, he authored and co-sponsored the bill extending the validity of the Philippine passport to ten (10) years, and the resolutions concurring in the ratification/accession to the Articles of Agreement of the Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), the Philippine-Japan Agreement on Social Security, and the Paris Agreement on Climate Change,” dagdag ni Abella.

Sa loob lamang ng tatlong minuto ay pinalusot ng CA ang appointment ni Cayetano  kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …