Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa LRT extension masaya ang mga kabitenyo

Dragon LadyLABIS ang katuwaan ng aking mga kababayang Kabitenyo, dahil malapit nang simulan ang LRT extension hanggang Bacoor Cavite.

Maraming makikinabang dito at magiging pabopr sa commuters at motorista lalo’t napakamahal ng gasoline. Puwedeng huwag nang magdala ng sasakyan ang ating mga kababayan sa Cavite, lalo sa pagpasok sa kanilang mga trabaho.

***

Tanda ko noong araw, ako ay nasa kolehiyo pa, may ferry boat na bumibiyahe mula Cavite City, hanggang sa Quirino Granstand sa Luneta.

Nawala ito. Hindi ko alam ang dahilan. Hanggang magkaroon uli roon sa likod ng Basilica SM Mall of Asia Parish Church ang terminal  nito. Sa hindi malamang dahilan ay muling nawala. Siguro mas mainam kung ibabalik ito, dahil ginhawa ito sa mga pasahero mula Cavite City. Maikling oras lamang ang biyahe.

***

Ito namang LRT Extension ay hanggang Bacoor Cavite lamang. Sabi ng mga Kabitenyo, sana raw ay inabot hanggang Cavite City, dahil makikinabang dito ang commuters mula sa Kawit, Noveleta, Rosario, Gen. Trias, at Tanza Cavite.

MGA PRESO, KAWAWA
SA ARAW NG TAG-INIT

Posibleng lumaganap ngayon sa loob ng mga kulungan ang pagkakaroon ng ibang sakit ng mga preso sanhi ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon.

Kamakailan, isang preso sa loob ng detention cell ng Pasay City Police Investigation Division, ang tinamaan ng heat stroke, sanhi ng init na dinagdagan pa ng masikip na kulungan at bilang presong nakakulong.

***

Bukod sa heat stroke, nakararanas din ng mga sakit na pneumonia, matitinding ubo, pigsa, sakit sa mga ba-lat, dahil sa sikip ng kulungan at kakulangan sa bentilasyon. Alam nating hindi nilalagyan ng maraming bintana ang bawat selda dahil baka tumakas ang mga preso, pero paano naman ang kanilang kalusugan?

***

Kung walang sapat na pondo ang pulisya, ang BJMP ay maraming pondo, bukod sa tinutulungan ng local government, dapat siguro ay malalaking industrial electric fan ang gamitin, kahit ilagay sa labas ng selda para pumasok ang ha-ngin.

ADMINISTRASYONG
OLIVAREZ AT VENDORS

Nadudurog daw ang puso ni Mayor Edwin Olivarez kapag nakikita niya na walang kabuhayan ang mga vendor sa Baclaran kaya pinilit pa rin ng kanyang administrasyon na magkaroon ng lugar na pagtitindahan habang isinasagawa ng MMDA ang clearing operations sa Baclaran. Nagkaroon ng kasunduan na pansamantala ay lagyan ng lugar ang mga vendor habang pinaplano ang paglilipatan ng mga vendor sa tapat ng Redemptorist. Maluwag na maluwag na ang Baclaran, hindi gaya nang dati na hindi nakadaraan ang sasakyan.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADYAmor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …