Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Intel officers magpaliwanag (Sa Quiapo blasts) — Pimentel

PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan  sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao.

Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng pamahalaan.

Ipinagtataka ni Pimentel na sa kabila ng naglalakihang mga pondong inilaan dito ng pa-mahalaan ay nalusutan sila ng dalawang magkasunod na pambobomba.

Sinabi ni Pimentel, hindi niya lubos maunawaan o maisip kung bakit nangyari ito at hindi natunugan ng pa-mahalaan.

Nais ni Pimentel na idetalye ng mga intelligence agency ng pamahalaan kung paano at kung saan-saan nila ginagastos ang pondong nakalaan sa kanila.

Nagbanta si Pimentel, sa sandaling humiling ng dagdag na pondo ang intelligence agency ay siya ang unang tututol o haharang dito hangga’t bigo silang maipaliwang ang kanilang paggastos sa kanilang pondo.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …