Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Anderson admits: “Ako po talaga ‘yung siguro, immature”

Perfect girlfriend kung i-describe ni Gerald Anderson si Kim Chiu. Siya raw talaga ang immature dahil hindi niya pinahalagahan kung  anoman ang meron siya noon.

So far, wala raw talagang closure ang kanilang break-up noon.

Inamin din ng dalawang nagkaroon din sila ng sour-graping statements before.

“Oo, hindi ko naman ide-deny sa kanya ‘yun! Hindi, part po ‘yun ng moving on.

“Tignan mo naman ngayon, nasasabi ko na sa kanya, siniraan!

“Pero ‘yung iba doong sinabi ko, totoo. ‘Yung iba roon, sira lang.”

Right after their break-up, wala na raw silang communication.

“Hindi na tayo nag-text?” Gerald asked Kim pointblank.

“Hindi na!” Kim asseverated. “Siyempre noong bandang huli, text-text, tapos hanggang sa… Oo nga, alis na siya! Gano’n!

“Pero okey na kami, mas mahalaga na ‘yung gano’n.”

Sa love advice para sa isa’t isa, sabi lang ni Kim: “Value who or what you have.”

When it was Gerald’s turn to give an advice, this is what he had to say: “Sa totoo lang, kung paano po siya magmahal, sobrang perfect na, e. Honestly.

“Kaya siguro bilang isang lalaki, ako po talaga ‘yung siguro, immature, hindi ko pa bina-value kung ano ‘yung meron ako noon.

“Pag nagmahal siya, buong-buo, e.

“Kaya napakasuwerte ng lalaking mamahalin niya.”

Working on their new teleserye “Ikaw Lang Ang Iibigin,” that is slated to start this May 1 right after It’s Showtime, Gerald could say that they are at peace and very much at home with each other’s presence.

“Ngayon, ito po kasi ‘yung opportunity na makapag-catch up po kami at kumbaga, opo, may pinagsamahan kami, pero it’s like I’m getting to know her again.”

On Kim’s part, she said, “Naloloko-loko ko na siya, joke time-joke time, okey na ‘yun!

“Kung may wall, siguro hindi namin ito gagawin.

“Hindi rin magiging maganda ‘yung produkto namin kung may wall.”

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …