Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lopez sa DENR tuluyang ibinasura ng CA

050417_FRONT

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pamamagitan ng isang caucus, ginanap ang secret voting ng mga miyembro ng komisyon.

Makaraan ang pag-pupulong, inihayag ni Commission on Appointments (CA) chairman, Senator Manny Pacquiao, bigong makuha ni Lopez ang mayoryang boto ng mga miyembro ng komis-yon.

Bukod sa maraming kumukontra kay Lopez, ilang miyembro ng komis-yon ang gumisa sa kanya at nagpakita ng kanilang pagtutol sa kalihim para sa nasabing posisyon.

Magugunitang si Lopez ay ilang beses isinalang sa komisyon sa nakalipas na mga sesyon, bago mag-recess nitong Marso, at dahil mara-ming komokontra at nagtatanong ay kinulang ng panahon.

Hindi umabot sa 13 ang bilang ng botong natanggap ni Lopez, mula sa 25 miyembro ng komis-yon.

Samantala, nagpahayag ng panghihinayang sa kabiguang makompirma si Lopez, sina Senadora Loren Legarda, Senador Joel Villanueva, Rep. Harry Roque, Senador Tito Sotto, Senador Bam Aquino, Senador Kiko Pangilinan, Senador JV Ejercito, at Senador Franklin Drilon.

Ibinida ni Drilon na mga miyembro ng Liberal Party (LP), na mga miyembro ng komisyon, ang bumoto para kay Lopez.

Isa sa nakikitang dahilan ng kabiguan  ni Lopez na makompirma ay nang makalaban ang ilang may-ari ng minahan na kanyang ipinasara makaraan ang mining audit.

Sinasabing ilan sa mga miyembro ng komis-yon ay pawang konektado sa mining firms.

Kaugnay nito, sinabi ni Lopez, iginagalang niya ang desisyon ng komisyon ngunit naniniwala siyang may ilang mga taong nasa likod nang kabiguan niya sa kompirmasyon, lalo ang mga nasagasaan niya sa mining industry.

Tiniyak ni Lopez, sa kabila ng kanyang kabiguang makuha ang suporta ng komisyon, handa pa rin siyang ma-kipagtulungan at suportado si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya para sa proteksiyon ng kalikasan.

Makaraan ibasura ang kompirmasyon ni Lopez, awtomatikong hindi na siya maaaring umupo bilang kalihim ng ahensiya, at kailangan nang magtalaga si Pangulong Duterte ng bagong kapalit sa posisyon.

nina NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN

LOPEZ ITATALAGA
SA IBANG POSISYON
— PALASYO

050417 gina lopez duterte
HINDI isinasantabi ng Palasyo ang posibilidad na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Gina Lopez sa ibang posisyon.

Ito ay makaraan ibasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Lopez bilang DENR secretary.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa ngayon, nakatutok ang Pangulo sa paghahanap ng maaring pumalit sa puwesto ni Lopez.

Una rito, lumutang na ang pangalan ni Mark Kristopher Tolentino, maaaring pumalit sa puwesto ni Lopez.

Si Tolentino ay abogado ng Partido Demokratiko Pilipino, na kinabibilangan ni Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …