KINOMPIRMA ni Brillante Mendoza na muli siyang magtutungo sa itinuturing na world’s most prestigious film festival, ang Cannes International Film Festival para sa kasalukuyan niyang crime miniseries sa TV5, ang Amo.
Napag-alaman namin ito sa press conference ng TV5 para sa Pagtatapos,isa sa mga tampok na palabras para sa Brillante Mendoza Presents.
Ani Mendoza, naimbitahan ang Amo para sa screening sa Cannes.
Sinabi pa ni Mendoza na dadalo siya sa 70th Cannes International Film Festival na magaganap sa May 17-28 hindi lamang para sa screening ng Amo pero para rin makahanap ng magdi-distribute nito.
Aniya, mayroong isang malaking production company na interesado sa Amo.
Itinampok kamakailan sa TV 5 ang isa sa obra maestro ni Mendoza na ang kuwento ay umikot sa karakter ni Shaira, isang teenager na may masalimuot na pakikipagsapalarans alipunan bilang anak, estudyante,a t kabataan. Tinampukan ito ni Gabby Padilla gayundin nina Nonie Buencamino, Sharmaine Buencamino, Racquel Villavicencio, Nonoy Froilan, Olivia Bugayong, Joni Galeste, Ian Ocampo, Renzo Arboleda, at PHSA Director Vim Nadera.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio