Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Awra, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

HINIRANG na kauna-unahang Your Face Sounds Familiar Kids grand winner ang tinaguriang Breakout Child Star na si Awra Briguela matapos makakuha ng pinakamataas na pinagsamang score ng jury at public text votes sa grand showdown ng programa noong Linggo ng gabi (April 9).

Nagkamit ng 95.41% score si Awra na hinangaan ang galing niya sa pag-rap at nakaaaliw na performance sa transformation bilang American rapper na si Nicki Minaj.

Bilang premyo, nag-uwi si Awra ng P1-M, house and lot mula Camella, at trip to Jeju Island, South Korea for four.

Si Elha Nympha naman ang itinanghal na second na nakakuha ng 70.75 percent ng total scores matapos ipakita ang galing at gayahin si Luciano Pavarotti.

Si AC Bonifacio ang third place na mayroong 57.95 percent ng total scores. Ginaya niya si Sarah Geronimo at kinanta ang Kilometro

Samantala, tinutukan ng mga manonood ang dalawang gabing pagtatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids matapos manguna sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nagkamit ang palabas ng national TV rating na 35.3%, mas mataas kompara sa nakuha ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento na 18.1% noong Sabado (Apr 8).

Panalo rin ang Your Face Kids sa national TV rating na 38.3% laban sa  Tsuperhero namayroon lamang 14.7% noong Linggo (Apr 9).

Naging mainit na usapin din sa social media ang final showdown matapos manguna ang official hashtags ng palabas na #YFSFGrandShowdown at #YFSFGrandWinner sa listahan ng trending topics sa Twitter.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …