Monday , November 18 2024

Limang taon na raw ang pagkakautang!

MATAGAL na palang hindi nababayaran ni Aljur Abrenica ang long standing debt niya sa businesswoman na si Kaye Dacer.

“Wow, that would be after how many years, it’s been ages,” she avers. “Kasi, noong ibinenta ko ang bahay ko, I think it was 2011 or 2010.

“Kung 2011 ‘yan, it’s been five years. Siguro naman kung magri-reach out siya sa akin, dapat noon pa.

“Ngayon naman, I’m not also closing my door dahil recently, tinext ko rin ang mother niya, but I didn’t get a reply.

“But I texted her after five years.”

Kung talagang gusto raw magbayad ni Aljur, alam naman niya kung saan siya pupuntahan. Recently lang daw siya nag-resign sa DZMM kaya Aljur has all the time in the world to reach out to her. Tagal naman daw niya sa ABS, ‘di ba?

“Alam naman nila kung saan ako pupuntahan,” she opines. “Nag-resign lang naman ako recently.”

Kung gusto lang daw niya ng harassment, mayroon siyang ‘power’ but she never did attempt for the past five years.

“Sabi ko nga, napakahirap gamitan ng power kapag sarili mo na ang involved,” she assverates. “Pero kayong lahat, kung kailangan kong gamitin ang power na ‘yun para ipagtanggol kayo, gagamitin ko.

“Pero para sa sarili ko, napakahirap. Nakita niyo naman for more than 20 years kung paano ako nakipaglaban…

“To the point na meron akong death threats.

“Yung mga anak ko, dumanas ‘yan na may mga bodyguards dahil sa death threats,” she avers. “Yung panganay kong anak, lumalaki ‘yan na hindi ko kasama sa bahay. Na-ransack ang condo ko, ang townhouse na tinutuluyan ko.

“So, for the longest time, hindi ko kasama ang anak ko because I was afraid for her life.

“Yung lahat nang ‘yun, kaya ko. Kaya kong makipag-away sa ibang tao, pero para makipag-away para sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.”

On to other things, smooth naman daw ang pag-alis niya sa ABS-CBN.

Meron daw ilang conflict of interests kaya nag-decide siyang mag-resign.

“In good faith talaga na umalis ako,” she quips. “Sinabi ko sa kanila ang mga conflict of interests.

“Binanggit ko sa kanila ang lahat, ‘Ito ang cards ko, ang conflict of interests.’

“Sinabi ko na hindi ko na kaya na ni hindi ako magkakaroon ng partisipasyon sa 8TriMedia.

“Kung puwede akong mag-resign dahil nga I’m connected and I know there will be a conflict of interest.

“Pumayag naman sila.

“Pero noong una, hiningi muna nila ang ilang linggo para banggitin sa boss namin.

“And finally, noong December 2 lang nila ako pinayagang umalis, and grateful naman ako na pinayagan nila kong umalis.”

Sometime in December pa raw siya inactive sa Aksyon Ngayon ng DZMM, at minabuti rin daw niyang hindi umupo sa anumang programa ng sariling estasyon.

“Siguro maganda na nasa background na lang muna ko,” she coolly states. “Pa-guest-guest kung merong gustong mag-guest sa akin sa mga shows dito.

“Other than that, hindi muna.

“Gusto ko rin kasing respetohin ‘yung ABS-CBN dahil alam ko, although I haven’t spoken with them after my resignation, kung applicable ba sa akin ‘yung one-year bond.

“Siguro, mas maganda na magkausap muna kami ulit ng ABS bago talaga tuluyan akong kumuha ng timeslot — kung may bakante pa rito.

“Pero alam ko wala pa, so background muna ako!”

MAGANDA AT MAY
ARAL NA PELIKULA

Bagama’t low-budget ang movie na Hiwaga, nakapagtatakang na-entertain kami sa movie ni Sir RCA (Ricojohn Amparo). Simpleng-simple ang pagkakagawa ng pelikula pero may dating. Maybe it’s because in its simplicity, there’s beauty after all.

For one, napakahusay ng acting ni John Mc Earl. Sa kanya naman talaga umikot ang buong pelikula at supporting lang ‘yung tatlo niyang kapatid. Ngayon lang ako nakapanood na baguhan palang ang lumabas na bida sa isang pelikula na napakahusay nang mag-emote at parang beterano na ang dating.

Sa totoo, marami ang naiyak sa kanyang valedictory address.

Napahusay niyang mag-emote and his kind of acting comes from the heart indeed.

Palibhasa’y napakahusay mag-motivate ng kanyang handler na si Christopher Novabos na isang mahusay na 2nd assistant director na sa Sinandomeng. Writer naman siya sa isa pa nilang pelikulang gagawin at supervising producer.

‘Di ba ang galing?

For someone so young, Christopher can safely be considered as a jack of all trades.

Anyway, wayback in the year 2015, production designer naman siya sa new wave feature na Turo-turo starring Enchong Dee in the lead role. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang film festival para sa mga estudyante ang Rodriguez CCH Media and Film festival.

Anyway, please do watch Hiwaga in some SM cinema outlets. Nagsimula ito noong March 29 at ongoing pa magpahanggang ngayon.

 “BEST ADOBO”TUTUKLASIN
NG PINAS SARAP

Ngayong Huwebes (March 30) sa Pinas Sarap, aalamin ni Kara David ang pinagmulan ng isa sa pinakasikat na putahe at sinasabing pambansang ulam ng Filipinas—ang adobo.

Mula Maynila, darayo si Kara sa La Union, Laguna, at Pampanga para tikman ang iba’t ibang bersiyon ng adobo.

Sa La Union, sisisid si Kara sa dagat para manghuli ng mga pugita. Specialty kasi ng mga residente ng San Fernando ang “Adobong Pugita.”

Samatala sa Laguna, tutuklasin ng Pinas Sarap ang panlasa ng nakaraan sa paboritong adobo ng bayaning si Dr. Jose Rizal. Iluluto ng mga apo ni Rizal ang mga heirloom recipe ng kanilang pamilya — ang “Adobo sa Labanos” at “Adobo sa Gata.”

Sa Pampanga naman, aalamin ni Kara ang orihinal na bersiyon ng adobo, ang “Adobong Puti.” Hindi tulad ng nakasanayan, walang toyo ang “Adobong Puti.” Dati raw ang adobo ay hindi lang paraan ng pagluluto kundi paraan din ng pagpepreserba ng pagkain.

Manood at matakam sa mga lutuing Filipino sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, tuwing Huwebes 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *