Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lhuillier at Calayan, nagsanib-puwersa sa beauty at wellness

NASAKSIHAN namin ang pormal na paglulunsad ng partnership ng Calayan Medical Group Inc., na pinamamahalaan nina Lalen Calayan at Selina Sevilla at ng mag-asawang Michel at Amparito Lhuillier kamakailan na isinagawa sa Hola Espana sa Mandaue City, Cebu.

Sa inagurasyon ng MLCalayan Skincare and Aesthetics Center, sinabi kapwa nina Lalen at Selina gayundin ng mag-asawang Lhuillier na palalawakin at palalakasin pa nila ang beauty market sa Cebu.

Ani Lalen, COO & business development head ng MLCalayan, magandang hakbang ang pakikipagsosyo nila sa mga Lhuillier lalo pa’t sikat at nirerespeto ang pamilya Lhuillier sa Cebu sa larangan ng iba’t ibang negosyo.

Sinabi naman ni Selina na malaki ang pasasalamat niya kina Senyorito Michel at Senyorita Amparito sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Sa kasalukuyan, matatagpuan ang ML Calayan Skincare ang Aesthetics Center sa Oakridge Business Park sa Mandaue City. At sa Abril, bubuksan naman ang Selina Castle of Beauty and Wellness sa Parkmall, Cebu.

Sinabi ni Senyorito Michel na mas mapapabuti ang mga serbisyo nila sa kanilang klinika sa pagsasanib-puwersa nila ng Calayan gayundin sa pagpapalawak pa ng kanilang mga programa sa hinaharap.

Nais ng Lhuillier na maging bahagi sila ng papaunlad na sektor at makatutulong sa Cebu na makakuha ng parte nito sa global medical tourism market.

Sa mga susunod na panahon,  magbubukas pa ng maraming sangay ng MLCalayan na magsisilbi sa mainstream market na hindi lang pang-mayaman kundi pang-masa rin.

“The purpose of the partnership is to branch out later on to other places if we become successful in Cebu,” ani Senyorito Michel. “If we can make it in the pawnshop (business), why can’t we make it in the beauty business?”

Ang Lhuillier ang nagmamay-ari ng 2,000 branches ng MLhuillier Financial Services sa buong bansa bukod pa sa iba nilang negosyo.

Ang mga Calayan naman ay kilala na sa industriya ng cosmetic surgery sa bansa.

Sa pagbubukas naman ng Selina Castle of Beauty and Wellness sa Abril, sasakop ito sa mainstream market na may beauty & wellness services and packages sa abot kayang halaga.

“MLCalayan not only aim excellent service…but a service that comes from the heart,” giit ni Selina.

Sa pagsasanib-puwersa ng Calayan at Lhuillier, ‘di malayong makamit nila ang tagumpay na inaasam.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …