Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

DESMAYADO man na hindi na makagaganap bilang Darna, excited naman si Angel Locsin sa sinumang mapipili ng ABS-CBN para gumanap sa nilikhang karakter ni Mars Ravelo.

Ani Angel, ibibigay niya ang 100 percent support sa sinumang mapipili ng Kapamilya Network.

Sinabi pa ng aktres na mayroon siyang bet para gumanap na Darna at positibo siyang mapipili iyon.

Bago lumabas ang balitang hindi na makagaganap na Darna si Angel, sinabi niya sa isang interview na ang kanyang training coach ang nag-report sa ABS-CBN ukol sa naramdaman niyang sakit sa likuran.

Nais isaalang-alang ng Dos ang kaligtasan muna ni Angel kaya noong Lunes ng gabi ay naglabas na rin ng statement si Kane Errol Choa, Head, Corporate Communications ng ABS-CBN ukol sa hindi na talaga magagawa ni Angel ang Darna.

Idinadag pa ni Angel na sinabihan siya ng kanyang doctor na hindi siya nito bibigyan ng clearance kapag nakaramdam siya ng pain. “Gusto kong magawa siya (Darna) kasi parang ang daming umaasa. Ayaw kong maka-disappoint kahit alam ko na inilalagay ko na ang sarili ko sa risk,” sambit pa ng aktres.

Kaya sa statement na ipinalabas sinabi roon na napagkasunduan ng Star Cinema at ng aktres na ‘wag nang gawin ang Darna dahil sa medical condition nito.

Dalawang beses na palang nakaranas ng pananakit ng likod si Angel na kapag ipinagpatuloy pa ay posibleng magkaroon ng damage ang spine.

Tiniyak naman ni Angel na hindi siya mami-mis ng kanyang fans dahil gagawa siya ng pelikula kasama sina James Reid at Coco Martin gayundin ang isang serye kasama ang huli. Lalabas din sila ni John Lloyd Cruz sa La Launa Sangre.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …