HINAHANAPAN namin ng konek si Piolo Pascual sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Papa P kasi ang nasa helm ng OMB o Optical Media Board na rating nasa pamamahala ni Ronnie Ricketts.
Isa nga ba si Piolo sa mga aktibong nangampanya sa presidential bid ni Digong? Parang wala yata kaming nabalitaang naramdaman ang kanyang presensiya during the campaign period.
With Piolo’s taking leadership over the agency, isa itong malaking hamon sa kanyang kakayahan. Tulad ng alam ng lahat, ang target ng OMB is to crack down on traders na sangkot sa pagbebenta ng mga pirated films na alam nating naglipana kahit saan.
Kabilang sa operasyon ng mga tauhan ng OMB ay ang pagsasagawa ng raid sa mga puwestong nangangalakal ng mga piniratang pelikula, local man o foreign.
Magampanan kaya ni Piolo ng buong husay ang tungkuling ipinamana sa kanya ng kasalukuyang pamahalaan?
Well, Piolo had better be serious sa kanyang trabaho dahil as we all know, isa siya sa mga aktibong artista whose movies particularly under Star Cinema ay mga kopya ring pirated.
Hindi man nakilalang action star si Piolo but more of a serious actor, mala-hardcore action film ang masasaksihang eksena sa tuwing susugod siya sa raid if ever.
For a change, and this time, for real.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III