BINIGYAN ng pitong araw ng National Housing Authority (NHA), ang mga pamilya ng informal settlers na biglang lumusob at umo-kupa sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno sa Bulacan, para lisanin ang mga bahay.
Ayon sa NHA, nakalaan ang nasabing mga bahay sa iba pang mahihirap na pamil-yang tinutulungan din ng gobyerno.
Inihayag ni NHA Central Luzon mana-ger Rommel Alimboyao, sinabi nila sa informal settlers, sa kanilang dialogo na pinamunuan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan, na maglalabas sila ng eviction notices sa susunod na linggo.
Gayonman, tiniyak ni Alimboyao, tutugunan nila ang applications para sa pabahay ng naturang mga pa-milya, na idinaraing ang anila’y hindi pagpansin ng gobyerno sa kanilang pangangaila-ngan.
Nitong Miyerkoles, lumusob ang mahihirap na pamilya mula sa Metro Manila, kasama ang mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), sa mga pabahay ng gob-yerno sa Villa Elise sa Brgy. Masuso, Pandi Village 2 sa Brgy. Ma-pulang Lupa; Villa Louise sa Brgy. Cacarong Matanda, at Padre Pio sa Cacarong Bata sa bayan ng Pandi, ga-yondin sa ilang bahay sa San Jose Heights sa San Jose del Monte City.
Ayon kay Army 48th Infantry Battalion commander, Col. Ramil Anoyo, ilan sa mga bahay ay inilaan para sa mga pulis at sundalo.
Samantala, iniim-bestigahan ng NHA ang mga ulat ng posibilidad na ang paglusob ng informal settlers sa mga pabahay ay isang bahagi ng pagkilos para sira-an ang administras-yong Duterte.
Iginiit ni Kadamay national chair Gloria Arellano, walang nagmamanipula sa kanila, at nagawa lang nila ito dahil naiinip na sila sa pagtugon ng gobyerno sa kanilang apela na magkabahay.
Nanawagan siya sa NHA na kung maaari ay patirahin muna roon ang mga pamilya habang inaasikaso ang kanilang housing applications.
(MICKA BAUTISTA)