Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, nanguna sa rating games dahil sa Tawag ng Tanghalan (Noontime show kulang ‘pag walang Vice Ganda)

Tawag ng Tanghalan grand finalists Froilan, Noven, Rachel, Sam, Eumee, Pauline, Maricel, Marielle, Carlmalone at Mary Gidget
Tawag ng Tanghalan grand finalists Froilan, Noven, Rachel, Sam, Eumee, Pauline, Maricel, Marielle, Carlmalone at Mary Gidget

HINDI itinanggi ng It’s Showtime hosts na malaki ang naitulong ng Tawag ng Tanghalan para muli nilang makuha ang pangunguna sa ratings game.

Sa Thanksgiving presscon noong Martes para sa Tawag ng Tanghalan grand finalists, (na sa Sabado na magaganap ang final showdown sa Resorts World Manila), sinabi ni Vice na malaking blessing ang naturang segment sa kanilang show.

“Ina-acknowledge naman namin ‘yon. Malaking blessing sa ‘Showtime’ ang ‘Tawag ng Tanghalan’,” aniya.

“I’m very thankful kasi maraming nagsasabi sa akin na nanonood sila. And it’s a big part of their day,” giit naman ni Karylle na parte ng jury ng Tawag ng Tanghalan.

Kahit nga si Ryan Bang ay nagsabing ang kanyang mga Korean relative ay nanonood din. “Akala nila singers talaga. Hindi nila alam na contestants kasi sobrang galing nila eh.”

Ukol naman sa mga pa-contest ang kanilang show, giit ni Anne Curtis.

“It really complemented the show because ‘Showtime’ from the very start is a show that has contests. So it came at the right time talaga.”

NOONTIME SHOW KULANG
‘PAG WALANG VICE GANDA

It's Showtime hosts Jugs Jugueta, Ryan Bang, Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Amy Perez
It’s Showtime hosts Jugs Jugueta, Ryan Bang, Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Amy Perez

KULANG ang It’s Showtime kapag wala si Vice Ganda. Ito ang sinabi nina Anne Curtis at Amy Perez. Sinalungan naman ito ng komedyante.

Aniya sa Thanksgiving presscon noong Martes, na sinoman sa grupo nila ang mawala o umalis o magbakasyon, iisa ang feeling nila, nalulungkot sila.

Iba kasi ang saya ng grupo nila kapag kompleto, giit nila.

Sinabi pa ni Vice na hindi totoong siya lamang ang nagpapasaya sa It’s Showtime. Madalas nga siyang alipustahin o katuwaan sa backstage ng mga kasamahan niyang host sa panghapong programa.

Pero, lahat naman ng iyon ay katuwaan lamang.

“Pinaka-endearing sa amin iyong minahal namin iyong imperfections ng isa’t isa,” sambit pa ni Vice Ganda.

“Para ko rin silang mga anak. Iba-iba ang moods, personalities. That’s how I treat them everyday,” susog naman ni Amy. “Ginawa nilang napakadali ng pagpasok ko rito sa programa. At feeling ko young ako everyday kapag kasama ko sila.”

“How we are live is exactly how we are off cam. It’s really like a family,” sambit naman ni Anne.

At ang mahalaga pa kina Vice, Anne, Karylle, at Amy ay kompleto sila dahil isang pamilya ang turingan nila.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …