Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imbestigasyon muli kay Lascañas insulto sa Senado — Cayetano

NANINIWALA si Senador Alan Peter Cayetano, maituturing na insulto sa komite at kawalan ng respeto o “rule” ng Senado bilang isang institus-yon, ang muling pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa panibagong pagbubunyag ni dating Davao Death Squad (DDS) chief Arturo Lascañas.

Magugunitang iba ang kanyang bagong pahayag sa nauna niyang testimonya sa pagharap sa pagdinig ng Senate committee on justice, sa pamumuno ni Senador Richard Gordon.

Ayon kay Cayetano, hindi dapat payagan ng Senado ang pagpapaikot o pagsisinungaling ng isang testigong humaharap sa kanila sa bawat pagdinig.

Iginiita ni Cayetano, hindi tama at makatuwiran na i-refer sa ibang komite ang naturang pahayag ni Lascañas, na nagbigay na ng unang pahayag sa ibang komite, at ang naturang komite ay naglabas na ng kanilang committee report.

“Alam natin na kapag sinabing reopen, ang committee na may original jurisdiction, ‘yun ang magre-reopen. That has been the Senate tradition. Never nating ginagawa sa Senado na alisin ang jurisdiction sa committee. And never natin pinagbobotohan ‘yun. Do we have to throw the rule book to the wastebasket?”  ani Cayetano.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …