Seryoso, hindi propaganda at lalong hindi technical arithmetic ang ipinaiiral na Oplan Tokhang ng Muntinlupa City.
Kung sa ibang lungsod, pagkatapos magsisuko ang mga pinaghihinalaang adik at pusher ay isa-isa nang bumubulagta dahil umano nanlaban o kaya ay na-riding-in-tandem, sa Muntinlupa City ang Drug Abuse Prevention Control Office (DAPCO) ay mayroong seryosong programa para alalayan ang mga naligaw ng landas na makabalik sa mainstream society.
Katunayan, pagkatapos ng Oplan Tokhang na umabot sa 3,000 nagsisuko, natuklasan ng DAPCO na 724 sa kanila ay mildly o slightly affected ng ilegal na droga.
Ayon kay Muntinlupa DAPCO chief, Florocito Ragudo, ‘yang 724 slightly & mildly affected by illegal drugs ay siyang ipapasok nila for counselling and livelihood seminars.
Bukod diyan, linggo-linggo rin silang imino-monitor ng barangay anti-drug abuse council (BADAC) upang makatulong sa kanilang tuloy-tuloy ma pagbabago.
Ibang klase talaga si Mayor JAIME FRESNEDI.
Ang kanilang Oplan Tokhang ay may puso at tunay na malasakit sa mga kababayan o constituents na naligaw ng landas.
Sana ay tularan ito ng ibang lungsod lalo na ‘yung mauunlad na lungsod na may kakayahang pondohan ang ganitong proyekto at programa.