Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Matatag na suporta kay Digong

SA kabila ng usapin ng extrajudicial killing, Marcos burial, pagbatikos sa Estados Unidos, Uni-ted Nations, European Union at ang pagkiling sa Russia at China, nananatili pa ring popular si Pa-ngulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mata ng taongbayan.

Base sa pinakahuling report ng Social Weather Station, nakapagtala si Digong ng 63 percent satisfaction rating mula sa 1,500 indibidwal na tinanong sa survey. Bagamat bumaba ng 1% sa naunang survey noong Setyembre, very good pa rin ang overall performance ni Digong kaugnay sa pagpapatakbo niya ng kanyang pamahalaan.

Nganga na naman ang mga dilawang Liberal Party at leftist group na umaasa na babagsak ang rating ni Digong bunga ng mga kontrobersi-yal na isyu na kanyang kinasasangkutan sa nagdaang halos anim na buwan ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.

Nangangahulugan lang na wa epek ang mga sunod-sunod na rally at demonstrasyon na inilunsad ng mga dilawang grupo na nilahukan din ng mga grupong kaliwa laban kay Digong. Hindi umubra ang kanilang black propaganda dahil malinaw na hindi bilib ang taongbayan sa kanilang mga sinasabi at pakulo. Nananatiling mahal si Digong ng mamamayang Filipino at suportado nila ang kanyang mga hakbang.

Kung tutuusin, tanging sa Metro Manila lang naman maingay ang mga kontra kay Digong, lalo na ang kampo ng mga dilawan. Pero pagdating sa Visayas at Mindanao, pabor ang karamihan sa ginagawa ni Digong lalo na sa kanyang kampanya kontra droga.

Hindi maikakaila na higit na ligtas ngayon ang ordinaryong mamamayan sa mga adik at pusher na kung hindi man nakakulong ay nakalibing na ngayon sa kani-kanilang hukay. Eto, lang yatang mga kaliwa at dilawan ang kakampi ng mga adik at pusher kaya hanggang ngayon ay ipinagtatangol nila kapag napapatay.

Mahirap ngang tibagin si Digong dahil sa tindi rin ng suporta ng local government units sa kanyang war on drugs. Mula sa matitinong barangay chairman (na hindi mga adik), mayor, konseho, board members hanggang vice governor at governor ay todo ang suporta kay Digong.

Ang isyu rin sa Marcos burial na gustong palakihin ng mga kalaban ni Digong ay hindi nagtagumpay bagkus ang mga taga-probinsiya ay suportado ang ginawa ng Pangulo sa paglilibing sa labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Bukod kay Governor Imee Marcos, patuloy rin na sumusuporta kay Digong ang local leaders lalo sa kampanya laban sa droga at paglili-bing kay Marcos sa LNMB.  Kaya nga, talagang mabibigo lamang ang ginagawang pananabotahe ng dilawan at kaliwa sa gobyerno ni Digong.

Kung inaakala ng oposisyon na mapababagsak nila si Digong ay nagkakamali sila. Patunay ang resulta ng SWS survey.

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …