Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Brgy. Chairman timbog sa buy-bust (Sa Sta. Maria, Bulacan)

 

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay chairman sa buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Henry D. San Miguel, 45, chairman ng Barangay Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, si San Miguel ay kasama sa listahan ng target drug personalities ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3).

Nakompiska mula kay San Miguel ang isang plastic sachet ng shabu na P23,000 ang halaga.

Si San Miguel ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang suspek ay nakadetine sa PDEA RO3 jail facility sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga.

( MICKA BAUTISTA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …