Saturday , November 16 2024
pnp police

Patakaran sa negosyo ng paputok hinigpitan

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa mga tindahan ng paputok  na sumunod sa mas pinahigpit na mga patakaran kasunod nang pagsabog ng isang pagawaan sa Bocaue, Bulacan noong Oktubre.

Nitong Biyernes, sinimulan ng pulisya ang pag-iinspeksiyon sa mga tindahan ng paputok sa Bulacan na nagsisimula nang magbukasan, bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili para sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Supt. Romeo Caramat, Bulacan police director, maaaring ipasara ang mga tindahang hindi susunod sa mas pinahigpit na mga patakaran, at nag-abiso sa mga may-ari na maghanda para sa surprise inspections sa susunod na linggo.

Noong Oktubre, nasunog at sumabog ang isang pagawaan ng paputok sa Bocaue na ikinamatay ng dalawang biktima at marami ang nasugatan.

Bagama’t bakante ang lote na pinangyarihan ng pagsabog,

nagsimula nang magbukas ang mga tindahan ng paputok ilang metro ang layo mula rito gayondin sa ilang bayan.

( MICKA BAUTISTA )

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *