Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Time-out muna sa heavy drama roles

AFTER his top-rating series na Because of You na talaga namang minahal ng maraming Kapuso viewers, may bago na namang dapat abangan sa tinaguriang Boss Yummy na si Gabby Concepcion.

Muli na naman kasi siyang mapapanood sa pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure series ng GMA 7 na Tsuperhero kasama sina Derrick Monasterio at Bea Binene this November.

Masayang ibinahagi ng aktor na looking forward siya na gawin ang project, dahil gusto raw muna niyang mag-break sa paggawa ng heavy drama shows.

“Sana lahat ng projects na gawin ko, puro ganito lang light. Like pang pamilya lang para walang masyadong sigawan, iyakan, bugbugan. Kasi minsan nakasasawa na ‘yan di ba, at saka mabigat sa dibdib.”

BUBBLE GANG MAY PASABOG NGAYONG NOBYEMBRE

Balita naming, may malaking pasabog na magaganap this November sa longest running comedy gag show na Bubble Gang dahil 21st anniversary nila.

Excited tuloy kaming malaman kung ano ito dahil kapag sila talaga ang naghatid ng sorpresa, talagang nakamamamangha sa ganda.

Ano kaya ito?

‘Yan ang dapat nating abangan.

TOP ONE PROJECT HINDI MAKAPANIWALA SA PAGKAKAPANALO

Hindi na kami nagulat nang igawad sa Kapuso male group na Top One Project o T.O.P. ang Best Group Artist Of The Year ng PMPC dahil hindi maikaiila ang husay nila sa pagkanta. Kitang-kita rin kasi ang kanilang unity. Walang nagsasapawan at nag-aagawan.

However, para sa kanila, hindi raw sila makapaniwala sa award na natanggap. Ani Louie Pedroso sa kanyang Instagram post: “As a newbie in the industry I’ve never even dreamed of being nominated for this award let alone winning it. I’m so proud of us and how good things are picking up @toponeproject. Let’s get better everyday! Let’s stay hungry ! Thank you God Thank you PMPC!”

IDOL SA KUSINA MOST-AWARDED COOKING SHOW NGAYON

Since then, hanga na kami sa husay ni Chef Boy Logro. Kaya naman we are even more proud of him and his cooking show sa Kapuso Network na Idol Sa Kusina kasama si Bettina Carlos dahil itinuturing itong most-a0warded cooking show ngayon. Recently, nakatanggap sila ng Certificate for Creative Excellence mula sa US International Film and Video Festival at Excellence Award for Cooking Program from Kung-Gihan Awards 2016 sa Lyceum of the Philippines University-Laguna.

They also recognized Chef Boy Logro as the Most Influential Chef of the Year.

With that, congratulations to the team!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …