Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Devil’ itinuro sa Bocaue blast (Pabrika ipinasara)

NAGLABAS ng isang linggong self imposed deadline ang Bocaue, Bulacan Police para tapusin ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng ilang tindahan ng paputok sa kanilang bayan, na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa, habang P20 milyon ang halaga ng mga pinsala sa mga ari-arian.

Ayon kay Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, magkatuwang sa imbestigasyon ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection para mabilis na matapos ang pagsisiyasat.

Sa mga naunang imbestigasyon, napag-alamang nagsimula ang sunog sa tindahang pag-aari ni Gina Gonzales, isa sa dalawang namatay, kasama ang ex-Brgy. Captain na si Gigi Ayala.

Ayon sa tindera ni Gonzales, hindi na pinangalanan, nagsimula ang sunog mula sa mga nakaimbak na ‘devil’ isang uri ng kemikal na gamit sa paggawa ng paputok.

Sinabi ng tindera, tinangka nilang patayin ng among namatay ang apoy sa pamamagitan nang pagbuhos ng tubig at fire extinguisher ngunit hindi nakayanan hanggang kumalat ang sunog.

Aniya, dahil sa paglaki ng apoy ay lumabas sila ni Gonzales ngunit bumalik ang amo sa loob ng tindahan upang kunin ang naiwang bag hanggang abutan nang malakas na pagsambulat na siya niyang ikinamatay hanggang sunod-sunod na ang pagsabog.

( MICKA BAUTISTA )

PABRIKA IPINASARA

INIUTOS ng local government unit ng Bocaue, Bulacan ang pansamantalang pagpapasara ng mga pagawaan at bentahan ng mga paputok sa lugar.

Ito ay kasunod nang naganap na pagsabog sa isang tindahan ng paputok na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat nang mahigit 20 biktima.

Sinabi ni Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, ang nasabing hakbang ay para maisagawa muna ang inspeksiyon sa mga lugar kung mayroong sapat na permit at safety certificate ang mga pagawaan at bentahan ng mga paputok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …