Friday , November 22 2024

‘Taktikang pusit’ lang ang speech ni De Lima sa kampanya vs droga

00 Kalampag percyKUMALABUKOB ang plenaryo ng Senado sa wikang Ingles ng privileged speech na pinakawalan ni Sen. Leila de Lima kamakailan.

Hindi mo tuloy iisiping mahirap na bansa ang Filipinas sa malantod na pagkakabigkas ni De Lima sa kanyang privilege speech sa English.

Kaya siguro ang Estados Unidos ang pinagpapala dahil napagkakamalan ng tadhana na dito sa Filipinas nanggagaling ang English kaya tayo naghihirap.

Sa totoo lang, sa wikang English talaga ako naawa dahil wala naman itong kasalanan para gamitin ni De Lima sa katarantaduhan.

Nagpapanggap lang si De Lima na may malasakit sa mga biktima ng patayan kunwari, bagay na hindi naman niya naipamalas habang siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Gaano karaming kaso ba ng napatay habang si De Lima noon ang SOJ na hanggang matapos ang termino nila ng amo niyang si PNoy ay hindi nagkaroon ng kalutasan?

Wala namang ibig sabihin ang inaksayang oras ni De Lima sa kanyang privilege speech kundi ginamit niya lang ang Senado para siraan ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa illegal drugs.

Hindi kaya taktikang pusit (squid tactic) lang ang privileged speech ni De Lima upang mailihis palayo ang hinalang may kinalaman siya sa paglaganap ng illegal drugs sa bansa, partikular sa New Bilibid Prisons (NBP), noong nakaraang administrasyon ni PNoy?

Sa taas ng trust rating ni PDU30, mahihirapang sirain at biguin ni De Lima ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra droga, kesehodang magtutuwad pa siya nang naka-bikini sa kalsada.

2 “NARCO MAYORS” LUMUHOD KAY PDU30

DALAWANG ‘narco mayors’ na suspetsang kasama sa 27 local executives na nakatakdang pangalanan ni PDU30 ang personal na nagpunta sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, umiiyak na nagsumamo sa kanya ang dalawa na ‘wag silang pangalanan at ipahiya kapalit ng kanilang alok na kapwa sila magbibitiw sa puwesto.

Tumanggi si  PDU30 sa alok nilang pagbibitiw sa puwesto habang sila ay iniimbestigahan kaugnay ng kanilang pagkakasangkot sa illegal drugs.

Mahal ni PDU30 ang mamamayan kaya ang mga lider na tulad niya ay minamahal din ng mamamayan.

Dahil diyan, ayaw natin na mapalusutan siya ng mga taong nakapaligid o pumapaligid sa kanya.

Ang tanong: Paano nalaman ng dalawang alkalde na kasama sila sa listahan ng ‘narco mayors’?

Nais lang natin matiyak na walang taga-palasyo o malapit sa pangulo ang nakapag-tip sa dalawang alkalde na kasama sila sa ibubulgar na listahan ng local executives na sangkot sa droga.

Hangad kasi natin ang tagumpay ng administrasyon ni Pang. Rody, lalo sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs.

QC HALL HEALTH DEPT MAY DRESS CODE RAW AT WARDROBE RENTAL

LUMIHAM ang isa sa matagal nang masugid na tagasubaybay ng malaganap nating programang “Lapid Fire” na napapanood sa 8Tri-TV via Channel 7 ng Cablelink TV mula 8:00 am – 10:00 am, Lunes hanggang Biyernes, at sabayang napapakinggan sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz) mula alas-9:00 ng umaga.

Basahin po natin ang ipinadalang reklamo ni Gng. Lourdes Sigua (may petsang Aug 2) laban sa mga empleyado at mababang opisyal na nakatalaga sa health Department  ng Quezon City Hall:

“Hello, Sir Percy!

Mayroon lang akong ilalapit na situation sa Quezon City Hall, Health Department. This is all about the dress code they are implementing daw.

Sir, yesterday morning I skipped my work in my stall to get a health certificate (renewal). I lined up for the order of payment from their personnel. To my surprise, he said, he can’t issue me an order of payment because I am wearing a mini skirt. What I’m wearing was a white maong like skirt and a long sleeves black blouse to go along with my rubber shoes. Para sa akin kasi okay ang suot ko, kasi disente naman.

Sabi ko hindi ko naman alam na may ganitong dress code na ipinatutupad sila. So, kahit inis na inis na ako, nakiusap pa rin ako na baka pwede. Pero ang sagot sa akin, hindi nga pwede. Umuwi ka na lang at magpalit ng damit. Sabi ko, ang layo ng bahay namin sa City Hall. Then, sinabi n’ya sa akin na makiusap daw ako sa doctor, in charge ng sanitation, o kaya a person named Angie. When I asked kung ano ang surname ni Angie, ang sabi n’ya, basta Angie. Then, somebody told him na wala raw si Angie kaya kay Doc na lang.

Umakyat ako sa office ng doctor in charge, ang sabi du’n wala, may meeting. Nakiusap ulit ako, hindi raw puwede, kung gusto ko raw hintayin ko si Doc pero hindi nila alam kung anong oras ang balik. Then a staff told me, ‘mag rent ka na lang.

ANO???

Ang ginawa ko na lang, humanap ako ng pants na ipapalit sa skirt ko, bumili ako at nagkagastos dahil sa dress code na ‘yan. Sa view ko kasi Sir, pag disente naman ang suot, wag naman nilang ganun higpitan at pauuwiin pa para lang magpalit ng damit. And the worst of all, MAG RENT DAW!

Pwede po ba ma-call ang attention ng Mayor’s Offfice regarding this. Nakakabuwisit po kasi, parang hindi makatarungan eh.”

KAY MAYOR ‘BISTEK’

SA madaling sabi, ‘di lamang pala pinagpasa-pasahan siya na parang basket ball kundi inaksaya pa ang kanyang panahon at ipinahiya sa nabanggit na tanggapan.

Hindi natin alam kung talagang may ipinatutupad na dress code si Mayor Herbert “Bistek” Bautista at ang QC gov’t o imbento lang nila ito sa Health Dept para pagkakitaan.

Kung totoo kasi ito, hindi na pala puwedeng pumasok sa city hall ang isang mahirap kung sa tingin at palagay nila ay hindi maayos ang kasuotan.

Sino naman sila para humatol kung maayos at hindi ang kasuotan ng isang mamamayan, lalo’t hindi naman party ang pakay ng pagtungo sa isang tanggapan ng pamahalaan?

Ang dress code ay dapat ipatupad sa mga nasa pamahalaan para maayos silang humaharap sa taxpayers at sa publiko.

Mayor Bistek, paki-kastigo nga ang mga damuhong ‘yan diyan dahil sa ganyang klase ng mga empleyado sa pamahalaan galit na galit si Pres. Rody.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *