Monday , December 23 2024

Takot na takot: Tiklop si Erap kay Pres. Rody

00 Kalampag percyLAHAT ng totohanang hakbang na nakatakdang ipatupad ng administrasyon ni Pres. Rody Duterte laban sa talamak na krimen, illegal na droga, illegal vendors, illegal terminal at mga kolorum ay gustong sakyan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Halatang inuunahan ni Erap ang paglulunsad ng madugong operasyon na ilulunsad ng Duterte administration na sasagasa sa mga illegal na pinagkakakitaan ng office of the mayor, abusadong opisyal ng barangay at scalawags sa Manila Police District (MPD).

Nakatunog siya na walang sasantuhin kahit sino kaya nagkukunya-kunyarian si Erap na nakikiisa sa kampanya ni Pres. Rody bago pa man mailarga ang madugong operasyon ng kasalukuyang administrasyon.

Kabado si Erap na ipahiya siya kaya kusa niyang ipinabuwag muna pansamantala ang mga illegal vendors sa Divisoria at Pedro Gil noong nakaraang lingo.

Matatandaan na si Erap mismo ang nagbigay ng GO SIGNAL na sakupin ng illegal vendors ang mga kalsadang daanan ng sasakyan at mga sidewalk sa Maynila pagka-upo niya noong 2013.

Organisado ang pagkakasindikato ng illegal vendors sa Maynila, katunayan pinatayuan pa ng mga hawlang gawa sa bakal at binentahan din sila ng mga kulay orange na bubungan sa mismong mga kalsada na dapat sana ay para sa pedestrian at mga sasakyan, kabilang dito ang Lacson Underpass sa Quiapo at ang kahabaan ng Carriedo.

Lahat ng plaza at liwasan ay pinayagan din ni Erap na pagtayuan ng vendors kahit ipinagbabawal ito sa batas na nasa kategoryang kung tawagin ay “beyond the commerce of man”.

Masyadong sinalaula ng administrasyon ni Erap ang Maynila sa organized vendors, ultimo ang bantayog na isang tumbling lang ang layo sa City Hall at ang monumento ni Gat Andres Bonifacio Shrine sa plaza Lawton ay hindi pinatawad.

Ang organized vendors sa Maynila ay ipinasok at ipinakontrata ni Erap sa dalawang grupo – ang Sto Niño de Tondo sa Divisoria at AL2FEREX ORGANIZERS CO. sa Hidalgo hanggang Carriedo.

Pero ang suspetsa, ka-pamilya incorporated din ni Erap ang nasa likod ng mga nabanggit na kompanya at nakikinabang sa koleksiyon mula sa mga vendors.

YARI SI ERAP SA FOI-EO NI PRES. RODY

IMBES na maghugas kamay sa naglipanang illegal vendors, illegal terminal, illegal towing, illegal gambling, illegal drugs at iba pang kuwestiyonableng aktibidad sa Maynila, may dapat paghandaan ng husto si Erap.

Ngayong linggo ay ipatutupad na ang Executive Order ni Pres. Rody kaugnay sa Freedom of Information kaya puwede nang makakuha kahit ang simpleng mamamayan ng kopya ng mga kontrata at transaksyon sa mga ahensiya ng pamahalaan na sakop ng sangay ng ehekutibo, kasama rito ang local government.

Siguradong malakas pa sa intensity 10 na lindol ang yayanig sa pagkatao ni Erap dahil puwede nang ukilkilin ang lahat ng kontratang pinasok niya sa pagbebenta ng mga property ng Maynila.

Gaya nang pagsasalya ng Army and Navy Club, Grand Boulevard Hotel, Manila Zoo, public markets, Harrison Plaza, PNB Bldg sa Escolta, Lacson Underpass, pribadong dialysis center sa Gat Andres Bonifacio  hospital sa Maynila na pinatatakbo ng Braun Medical Supplies Philippines Inc. at iba pa.

Magkakaalaman din kung ipinasok sa kaban ng City Hall ang koleksiyon ng STO NIÑO DE TONDO at AL2FEREX ORGANIZERS CO. mula sa mga vendors.

Kaya ang unang dapat busisiin ni BIR chief Cesar Dulay ay kung nagbayad ba ng tamang buwis ang  dalawang kompanya na binasbasan ni Erap para mangolekta sa libu-libong vendors sa Divisoria, Quaipo at Sta. Cruz sa Maynila.

Ang pangongolekta ba sa vendors ang negosyong inilagay ng Sto Nino at AL2FEREX nang magparehistro sila sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI)?

Anong batas o ordinansa ang nagpahintulot sa Sto. Nino at AL2FEREX na mangolekta para sa local na pamahalaan ng Maynila?

Tiyak na hindi na mapagkatulog ngayon si Erap sa pangitaing magbalik siya sa selda.

ALYAS “HUDAS” SA MAYNILA

RAMDAM niya na hindi nagbibiro si Pres. Rody kaya nagpapanggap si Erap na kalaban din siya kunwari ng illegal drugs.

Sa media idinadaan ni Erap ang kuning-kuning na kampanya kontra-droga.

Ngayong nakaupo na si Pres. Rody sa Palasyo at gustong ibalik ang peace and order sa bansa ay saka pumapapel si Erap para lumitaw na siya pa ang bida.

Ang tanong: Bakit ngayon lang?

Kung si Peter Lim alyas Jaguar ang druglord sa Visayas, at si Herbert “Ampang” Colangco ay manugang ni Mayor Parojinog ng Misamis, isang alyas “Hudas” naman ang sinasabing nagpapakalat ng droga sa NCR.

Sino naman kaya si “Hudas” na anak raw ng isang local executive na nagpapanggap na deboto at madalas magsimba sa St. Jude. Shrine?

Kilala na kaya ni bagong Manila Police Director (MPD) Director S/Supt. Joel Napoleon M. Coronel kung sino si Alyas Hudas?

Alam na rin ba ni hepe kung sino ang opisyal ng barangay na nagpapakalat ng droga sa Lawton at mga kalapit na lugar?

Abangan!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *