Monday , December 23 2024

‘Constitutional dictatorship’ kabaliwan — Nene

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinuligsa ni dating Senate president at PDP-Laban founding chairman Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., si incoming presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa ipinalutang na posibleng constitutional dictatorship sa ilalim ng Duterte administration.

Ito ay makaraan igiit ni Panelo na tanging nasa katauhan lamang ni President-elect Rodrigo Duterte ang pagsisilbi bilang constitutional dictator dahil sa taglay na political will habang ipinatutupad ang malawakang reporma sa bulok na sistema ng gobyerno sa bansa.

Sinabi ni Pimentel, dapat hindi paniwalaan ang pinagsasabi ni Panelo dahil hayagang ito ay pasakalye lamang.

Sinabi ng tinaguriang ama ng Local Government Code of the Philippines, isang ‘kabaliwan’ ang pinalulutang ni Panelo at nagsasalita nang walang basehan.

“Kung mula iyan kay Panelo, kalokohan iyan, hindi dapat paniniwalaan dahil abogado rin si President Digong at dapat sundin ang Saligang Batas,” ani Pimentel na nagsalita sa Cebuano.

Si Pimentel ay isa sa mga aktibong political opposition figure noong kapanahunan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ilang beses na ipinakulong dahil sa matapang na pakikipaglaban sa batas-militar sa bansa.

Sinabi niyang ang dapat paniwalaan ng publiko ay mismong si Duterte dahil siya ang mas nakaaalam sa mga programa at direksiyon na tatahakin ng sambayanang Filipinas sa loob ng anim na taon.

Una rito, iginiit ni Panelo, kakailanganin ni Duterte ang hanggang 15 taon na pananatili sa poder para masiguro na maisakatuparan ang mga pangako sa taongbayan na pagbabago para sa bansa.

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *