Monday , January 20 2025
Judy Anne Santos

Judy Ann detox ang sikreto kaya sumeksi

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKABIBILIB ang dedikasyon ni Judy Ann Santos sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan.

Ayon nga sa marami, mas seksi at mas maganda siya ngayon kaysa noong dalaga siya.

Dahil dito ay ‘fitspiration’ siya ng marami na gusto ring maging seksi kagaya niya.

Ano ba ang sikreto ng isang Judy Ann?

“Okay, nakatutuwa naman ‘yung ‘fitspiration’,” natatawang sabi ni Judy Ann.

Hindi ko naman inisip na, alam mo ‘yun, magpaka-healthy and all para sa iba, mostly, siyempre nandoon ‘yung sa edad natin, o sa edad ko, siyempre andoon na ‘yung iisipin mo ‘yung mas healthy eating, more clean.

“Nagsimula ako mag-start ng detox mga two years ago, so I’m on, most of the time, naka-supply ‘yung food ko by Chechel [Joson].

“So ginagawan niya ako ng food na talagang for my chakras, for Ayurvedic. Naniniwala kasi ako sa ganoon, ‘yung what works for your body, ano ‘yung food na madaling ma-digest ng katawan mo.

“So basically, nagsimula ‘yan for more on gut cleansing. 

“So nag-fill up ako ng maraming probiotics, gut health talaga, kasi maganda ‘yung naging effect niya sa akin. 

“Gumanda ‘yung pakiramdam ko, maayos ‘yung gising ko sa umaga, nakakatulog ako ng maayos.

“So basically, ‘yung exercise, natigil ako ng matagal na panahon diyan, as in matagal, siguro mga ilang taon.”

Bakit siya nahinto sa pag-e-exercise?

Wala lang. Parang wala lang akong drive na mag-exercise. Dumating ako sa point na kung gaano ako kasipag mag-exercise dati, wala akong drive.

“Wala namang deeper meaning, walang deeper reason behind it, wala lang.

“Wala lang akong gana, and then, na-realize ko baka kailangan kong mag-detox, mag-cleansing, kasi ang cloudy ko mag-isip.

“Feeling ko pagod ako palagi, hindi naman ako malungkot, pero parang wala lang akong drive to move a lot.

“So nag-start akong mag-detox, nag-start akong mag-gut cleanse. More clean eating, meaning, more fiber first in the morning.

“Marami akong mga tinanggal na mga normal na kinakain ko during the day, nagpalit lang ako ng mga ganap sa buhay, and then, ‘yun na, gumagaan na ‘yung pakiramdam ko.

“Nagsimula na lang ako uli mag-exercise.

“Kasi nandito na tayo sa age na ‘yung bone mass and muscle mass natin kailangan i-increase na, kasi iyan ‘yung unang nagdi-deplete as we age, eh.

“So roon ko naano na okay, kailangan kong ikilos ‘to, kailangan kong igalaw ‘to, kasi kailangan kong pawisan.

“Doon na lang ako nagsimula uling mag-treadmill, mag-walking, marami na rin kasing hindi ako puwedeng gawin.

“Hindi na ako puwedeng magbuhat masyado because of my back, ang puwede ko na lang basically activities gawin swimming, pilates, yoga, walking.

“Wala na talaga ‘yung mga ginagawa kong activities noong kabataan na puwede akong mag kung ano-ano, mag-trampoline, mag-weights, heavy lifting talaga.

“Basically, ‘yung inspiration na lang on being healthy. 

“Hindi na nga ‘yung losing weight, ‘yung losing weight naging bonus na lang siya.

“‘Yung being healthy ‘yung naging ano ko talaga, motivation ko. I wanna be healthy, I wanna be stronger, kasi gusto kong makasabay sa activities ng mga anak namin.

“Gusto kong makipaglaro sa kanila, I want to spend more time with them. Gusto ko kahit pagod akong umuwi sa bahay, kinabukasan I can still wake them up in the morning, kasi routine ko ‘yun, eh.

“Sila ang routine ko. Kahit anong oras ako umuwi from work, gigising ako ng alas-singko, gusto ko ako ‘yung gumigising sa kanila, ako gagawa ng baon nila, nandoon ako sa breakfast nila.

“Kahit gaano ako kaantok, hihintayin ko silang makaalis going to school, may times na maglalambing si Luna na ihatid ko siya, ihahatid ko siya.

“So ‘yun kasi ‘yung moments na hindi mo talaga maibabalik, iyon ‘yung moments na kapag kaya pa ng energy, ibibigay ko talaga.

“Iyon ‘yung mga bagay na napaka-priceless, kaya ko tinatrabaho na maging healthy.

“Ano na lang, bonus na lang talaga ‘yung pumayat, pero siyempre gusto natin ‘yun, ‘di ba?”

To be healthy and to live longer.

Of course, yes, yes.”

Samantala, bida si Judy Ann, kasama sina Lorna Tolentino at Chanda Romero, sa Espantaho na entry sa 50th Metro Manila Film Festival sa December 25.

Ang horror film ay idinirehe ni Chito Roño

na kasama rin sina Janice de Belen, JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, with the special participation of Tommy Abuel at Eugene Domingo.

Mula ito sa Quantum Films, Cineko Productions, at Purple Bunny Productions na pag-aari mismo ni Judy Ann.

About Rommel Gonzales

Check Also

Widows War

Widows’ War patuloy na namamayagpag sa finale week 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagiging winner ng mystery dramang minahal ng sambayanan. At …

Mga Batang Riles Miguel Tanfelix Kokoy De Santos

Mga Batang Riles inilipat ng oras 

RATED Rni Rommel Gonzales MAPAPANOOD na ang Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, …

Michael Sager Jillian Ward

Jillian at Michael malakas ang chemistry

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA totoo lang, maganda ang chemistry nina Michael Sager at Jillian …

Rufa Mae Quinto Willie Revillame 2

Rufa Mae hiling ng netizens kuning co-host ni Willie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKA-AALIW talaga itong si Rufa Mae Quinto o mas tinatawag naming …

Ruru Madrid

Ruru tiwalang matatalo katapat na show, hari na ang pakiramdam

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT sino naman ay magiging proud lalo’t inihihilera ka na sa …