MA at PA
ni Rommel Placente
ANG Quantum FIlms ni Atty. Joji Alonzo ang producer ng Espantaho, na bida sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino, na gumaganap bilang mag-ina. Isa ang nasabing pelikula sa entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Nang kinumusta kay Atty. Joji si LT bilang kanyang artista sa Espantaho, ang sabi niya,
“Wala akong masabi, in character mula pagdating (sa set) hanggang sa pag-uwi. She really prepared for the role.
“Siguro mas challenging sa kanya kasi she was the second choice, so, kailangan niyang ipakita na she can do good at binigay naman niya nang husto. Wala naman akong naging problema. Wala akong naging problema in any artist dahil takot silang lahat kay Direk Chito (Rono-direktor ng pelikul) at mas maaga pa silang (artists) dumating,” kwento pa niya.
Masaya si Atty. Joji dahil maganda ang kinalabasan ng Espantaho at PG 13 pa ang ibinigay dito na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
“Para akong bagong producer na napapa-mangha talaga (kay direk Chito), ‘yung shots niya, ‘yung naiisip niyang treatment na hindi ko naisip (director din si Atty. Joji) ‘yun ah,” papuri pa niya kay Direk Chito.
Showing na sa December 25 ang Espantaho. Bukod kina Juday at LT, kasama rin sa cast sina Chanda Romero, JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, Archi Adamos, Janice De Belen, Eugene Domingo, at Tommy Abuel.