Thursday , April 24 2025
Dragon Lady Amor Virata

Nasaan na ang listahan ng mga pulis at barangay na sangkot sa illegal drug trade?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

NOONG panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging masigasig ang kampanya laban sa matataas na tao, sa hanay ng politika, at pulisya na sangkot sa illegal drug trade.

Maging sa hanay ng barangay dahil natakot sa tokhang. Naglabas ng mga listahan na sangkot pero walang nangyari hanggang mga kalaban ni PRRD ay isinangkot.

Ngayon ang isyu naman ay acquitted ang anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla sa kasong kinasasangkutan ng anak na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ngayon, heto si DILG Secretary Benhur Abalos at ibinubulgar na may 300 pulis ang sangkot sa ilegal na droga, puro press releases, wala namang aksiyon ang gobyerno.

Ang gagaling magbulgar hindi naman tukuyin kung sino-sino ‘yan.

Dapat tukuyin kung sino-sino dahil simula ito ng lalong kawalan ng tiwala sa hanay ng pulisya na maaaring makaapekto sa matitinong pulis.

Tutal sinabi na mga pulis, pangalanan na kahit maubos ang espasyo ng diyaryo para matukoy ang sinasabing 300 pulis.

Hindi ito magaganap alam ko, takot sila kasi wala namang sapat na ebidensiya.

E nasaan ang listahan ng mga kapitan ng barangay? Listahan ng top officials ng local government?

Hayyyyy naku, Sercretary Abalos, ‘pag nagpa-press release dapat name names ‘di ba? ‘Wag kyaw kyaw lang.

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …