Friday , April 25 2025
Department of Migrant Workers

Travel consultancy firm ipinasara ni Ople 

INIUTOS ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland.

Ayon kay Ople, iniutos nito na ipasara ang IDPLumen Travel Consultancy Services, na naniningil ng aabot sa P 122,000 mula sa mga aplikante. Ang kautusan ay isinagawa ng Anti- Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa sabay-sabay na pagsasara ng mga operasyon sa punong tanggapan ng kompanya sa San Fernando, Pampanga at mga tanggapan sa Santiago City, Isabela, at Tabuk City, Kalinga.

Binalaan ni Ople ang ating mga kababayan na huwag makipagtransaksiyon sa mga travel consultancy firm na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa dahil ito ay illegal recruitment at may naghihintay na one-way ticket sa kulungan ang mga nagpapatakbo ng ganitong pekeng trabaho.

Ang mga operasyon ay isinagawa ng AIRB sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga yunit ng pulisya sa kani-kanilang mga lungsod.

Sa ulat sa surveillance operations na isinagawa ng AIRB ay nagsiwalat na ang IDPLumen, sa ilalim ng pagkukunwari ng isang travel consultancy firm, ay nag-alok ng trabaho sa Poland para sa truck drivers,  welders, at factory workers na may buwanang suweldo mula P35,000 hanggang P124,000.

Nadiskubreng ang IDPLumen Travel Consultancy Services ay walang lisensiya mula sa POEA para gumana bilang recruitment agency at wala rin itong validated job orders sa ibang bansa.

Nakolekta ng kompanya ang mga processing fee na aabot sa P122,000 mula sa mga prospective na aplikante ng trabaho sa ilalim ng dalawang opsiyon – alinman sa regular na upfront parment o isang scheme na “fly now, pay later.”

Inihahanda na ng nasabing ahensiya ang pagsasampa ng kasong illegal recruitment laban sa IDPLumen at hinihimok ang mga naging biktima nito na makipag-ugnayan sa DMW upang sila ay matulungan sa pagsasampa ng mga kaso laban sa nasabing consultancy services. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …