Saturday , December 10 2022

Pangalan ng tatlong kasabwat idinamay
‘GUNMAN’ SA PERCY LAPID SLAY SUMUKO 

101922 Hataw Frontpage

NASA kustodiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘gunman’ sa pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa, kilala bilang “Percy Lapid.”

Ayon Kay Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, iniharap kahapon sa media ang sinasabing  suspek na si Joel Salve Estorial, 39, tubong Barangay Rizal, Javier, Leyte.

Sinabi ni Estomo, boluntaryong sumuko sa Special Investigation Task Group ang suspek dahil natatakot sa sarili niyang kaligtasan kasunod ng pagsisiwalat sa publiko ng ilang CCTV footages na nagpapakita ng kanyang mukha.

Ikinanta rin umano ni Estorial ang nag-utos para patayin ang broadcaster ngunit hindi pa nila ito maaaring sabihin sa media habang nagpapatuloy ang follow- up investigations ng Philippine National Police (PNP).

Nagpahayag ng pasasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., sa mga pagsisikap na ginawa ng puwersa ng pulisya upang makabuo ng agarang imbestigasyon at sa pagpapakita ng kanilang taos-pusong pangako na protektahan ang mga personalidad sa media.

Kasunod ng pagsuko ng suspek, pinangalanan niya ang tatlo pa niyang kasamahan na ngayon ay sakop ng follow-up operation ng SITG, sina Israel at Edmon Dimaculangan at isa pang alyas Orly/Orlando.

Nasa ilalim ng masinsinang follow-up operations at tiniyak ng Task Group na hindi sila titigil hangga’t hindi nahahanap ang tatlo pang mga suspek.

Ang pagsuko ng gunman ay nagbunsod sa NCRPO sa isang konkretong case development matapos makipagtulungan para mabawi ang kamiseta at ang baril na ginamit sa paggawa ng krimen. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya …

road accident

Sa Isabela
2 KAWANI NG DA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang dalawang empleyado ng Department of Agriculture – Cordillera nang banggain …

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern …

Bocaue Bulacan Fireworks Rodolfo Azurin Daniel Fernando

Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo

DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National …

Bulacan

Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN

NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster …