Thursday , March 20 2025
PH Embassy Phnom Penh Cambodia

PH Embassy nagbabala
INGAT VS HUMAN TRAFFICKING NG MGA PINOY SA CAMBODIA

NAGBABALA sa mga Filipino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Cambodia na huwag tumanggap ng mga alok na online jobs na umano’y may malaking sahod.

Ang nasabing alok na trabaho sa online ay hindi pa nabeberipika ang kompanya at hindi malinaw ang mga detalye ng trabaho.

Pinamamadali ng PH Embassy sa Phnom Penh, sa pakikipag-ugnayan sa Cambodian authorities ang pagliligtas sa 61 overseas Filipino workers (OFWs) noong 2021 at panibagong 50 nitong 8 Setyembre, na ilegal na na-rekrut sa online scamming at catfishing activity sa Cambodia.

Nakipag-ugnayan ang Embahada sa aksiyon ng POEA at OWWA na maging ligtas ang pagbabalik sa bansa ng mga OFW na ilegal na narekrut at biktima ng human trafficking.

Unang nagpalabas ang POEA ng Advisory noong 12 Hulyo 2022 na sinuspende ang proseso ng mga direktang aplikasyon para sa business processing sector sa Cambodia sa pagsisikap na pigilan ang illegal recruitment sa mga Filipino patungo sa nasabing bansa. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …

Ara Mina Sarah Discaya 2

Ate Sarah aminadong pader ang makakalaban 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY sa larangan ng construction business ang St. Gerrard Construction, pero …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara kaisa ni Ate Sarah gawing Smart City ang Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MAKIKILAHOK sa bakbakan ng politika ng Pasig City ang target ng aktres …

Arrest Posas Handcuff

Dalagitang anak dinonselya; ama timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng malalaswang gawain at panggagahasa sa …

arrest, posas, fingerprints

4 puganteng Koreano arestado ng NBI

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na puganteng Korean …