Friday , June 2 2023
oil gas price

Bawas presyo sa produktong petrolyo inabiso ng oil companies

NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis sa pagbaba ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Martes.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum na magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.45 kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro ng diesel at P1.70 kada litro ng kerosene epektibo 6:00 am ngayong araw ng Martes.

Epektibo 12:01 am may bawas presyo rin sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) habang ang kompanyang Cleanfuel ay epektibo 8:01 am.

Ang ipatutupad na bawas presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyo nito sa world market.

Ikinatuwa ng mga tsuper at motorista at hiniling na sana’y magtuloy-tuloy na  ang pagtapyas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nitong nakaraang linggo, nagpatupad ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P2.60 kada litro ng gasolina, P1.55 kada litro ng diesel at P1.60 kada litro ng kerosene. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …