Thursday , March 28 2024
fire sunog bombero

300 pamilya nasunugan ng bahay sa Taguig

AABOT sa 300 pamilya o 900 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa nangyring sunog sa isang residential area sa Taguig City.

Base sa inisyal na ulat ni Taguig City Bureau of Fire Protection SFO2 Ana Joy Parungao, fire investigator, sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Sapian Ayunan sa Tawi-Tawi St., Covered Court, Barangay Maharlika sa nasabing lungsod dakong 10:50 pm nitong Huwebes.

Agad kumalat ang apoy at nasa 70 bahay na pawang gawa sa light materials ang agad natupok.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out ni Fire Supt. Bernard Rosete, Ground Commander, bandang 1:37 am kahapon, 18 Marso.

Napag-alaman, nasa 71 fire trucks ang nagresponde sa sunog at walong ambulansiya ang naka-standby sa lugar.

Walang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Sinisiyasat ang sanhi ng sunog sa lugar na tinatayang P750,000 ang halaga ng naabong mga ari-arian. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …