Wednesday , December 4 2024

Yorme Isko ‘kumasa’ vs dagdag-gastos na face shield

ALAM nating sa panahon ng pandemya, habang ang buong mundo ay may gera laban sa prehuwisyong CoVid-19, importante ang patakarang obey first before you complain.
 
Kaya nang magpahayag si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ayaw na niya ng face shield, lalo kapag malaking porsiyento ng mga mamamayan ay nabakunahan na, ay higit pa nating hinangaan ang alkalde.
 
Dapat umanong ikonsidera na ilan sa mga nagsusuot ng facemask at face shield ay nahihirapang huminga lalo ang mga may sakit sa puso at baga.
 
Palagay natin, hindi naman nagsalita si Yorme Isko para sa kanyang sarili. Ang pahayag ng alkalde ay daing hindi lang ng mga taga-Maynila kundi ng mas maraming mamamayan sa Filipinas.
 
Sa totoo lang maraming hindi komportable sa pagsusuot ng face shield. Para sa kanila, mas kinakapos sila ng oxygen kapag naka-face shield kaya sila ay nahihilo.
 
Bukod diyan, ito ay karagdagang gastos sa araw-araw o sabihin na nating hanggang dalawang araw nagagamit ang face shield pero tosgas pa rin.
 
Mas madalas, kapag naiiwan ang face shield nagiging dahilan pa ito ng pagkabalam ng tatapusing transaksiyon, kasi nga hindi makasasakay sa kahit anong transportasyon, at lalong hindi makapapasok ng mga institusyon o establisimiyento kapag walang face shield.
 
Sa totoo lang, kapag gumagamit ng eyeglasses, ang hirap kapag naka-face shield. Ang lakas makasira ng eyeglasses ng face shield. Kasi nag-aaway sa nose bridge ‘yung nose pads ng eyeglasses at ng face shield.
 
‘Yung iba naman, dahil plastic nga ang face shield, nasu-suffocate sa amoy, at ‘yun nga masyadong dikit sa mukha kaya nawawalan ng espasyo ang hangin. Resulta kakapusin talaga ng oxygen hanggang mahilo na.
 
Kaya naman, isa tayo sa natutuwa nang sabihin ni Yorme Kois na gusto niyang ipagbawal o tanggalin ang pagsusuot ng face shield sa Maynila.
 
Sabi ni Yorme, “Filipinas na lang ang bukod-tanging bansa na gumagamit ng face shield.”
 
Panahon na umano para muling pag-aralan ito upang maibsan ang gastusin ng mga mamamayan.
 
Bawas na sa gastos, ginhawa pa sa mamamayan.
 
Go Yorme go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *