Saturday , November 16 2024

Sa pagrerebyu ng gobyerno sa water concession deals… Pagbaba ng FDI titindi

NAMEMELIGRONG tumindi ang pagbaba ng foreign direct investments (FDIs) sa bansa dahil sa pagrerepaso ng pamahalaan sa mga kontrata ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad, ayon sa Management Association of the Philippines (MAP).

Sinabi ng MAP, ito’y dahil nakaaapekto ang ‘regulatory risk’ sa pag­hikayat ng bansa sa mga investor, na hindi maka­bubuti sa ekonomiya.

Sa ika-71 inaugural meeting ng MAP kama­kailan, binigyang-diin ng bagong pangulo ng grupo na si Francis Lim, na ang hakbang ng gobyerno na repasohin ang water concession agreements ay may epekto sa kasalu­kuyang pagtingin sa Filipinas bilang invest­ment destination.

Ani Lim, batay sa Fitch Solutions, ang bansa ang may pinakamataas na ‘regulatory risk’ sa kasalukuyan dahil sa pagrebyu sa water con­tracts.

Paliwanag ni Lim, ang FDIs ng bansa ay buma­baba. Mula sa $10.3 bilyon noong 2017 ay bumag­sak ito sa $9.8 bilyon noong 2018. Ina­asa­han aniyang bubulu­sok pa ito sa $6.9 bilyon sa 2019.

Ang FDIs ng bansa ay maliit din umano kom­para sa ibang bansa sa Southeast Asia tulad ng Vietnam na may $20.4 bilyon at Indonesia na may $24 bilyon noong nakaraang taon.

“Unless we in the Philippines shape up, foreign investors will view us as an unworthy investment destination and they might rather put their money in our Asean (Association of Southeast Asian Nations) neighbors,” dagdag niya.

Ang pamahalaan ay nag-aalok ng bagong kontrata sa dalawang water firms para masigu­ro umano na hindi na ito naglalaman ng hindi makatarungang mga pro­bisyon na makasasama sa gobyerno at publiko.

Ang water concession deals ay binuo noon pang 1997 (panahon ni Fidel Ramos) na tatagal hang­gang 2022 at pinalawig ng MWSS hanggang 2037 noong 2009 (panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo).

Gayonman, binawi ang extension ng con­cession agreement dahil sa umano’y ‘onerous’ pro­visions na nakapaloob dito.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *