Saturday , July 27 2024

Marian, sitcom with Dong ang wish

SA lalong madaling panahon ay isasakatuparan nina Marian Rivera at Beautederm President and CEO Rhea Anicoche-Tan ang layunin na tumulong sa mga kababayan natin sa Mindanao na nasalanta ng lindol.

“Paano ang gagawin namin sa mga tao na nangangailangan?

“So, usap kami nang usap, tulad nga nang nangyari sa mga kababayan natin na nangangailangan ng pagkain.

“‘Ate, ano ang kailangan gawin?’ Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala. Magbibigay ako ng kaban-kabang bigas,’” kuwento ni Marian.

Binanggit naman ni Rhea na nagtayo siya ng foundation para anumang oras, maibahagi niya ang mga biyaya na kanyang natatanggap.

We are too blessed. Sabi nga nila, kapag bine-bless ka ni Lord, mag-share lagi.

“Hangga’t kaya, go lang nang go, kasi ‘yun lang ang sarap ng buhay—if you make someone happy.

“If you make someone smile, the Lord will bless you a thousand folds,” sabi ni Rhea.

Hindi nagkakalayo ang mga pahayag nina Rhea at Marian, dahil ang kabutihan din sa kanya ng Diyos ang sinabi ng aktres kaya gusto nitong mabuhay na puro pagmamahal ang umiiral.

Nag-renew si Marian ng kontrata bilang endorser ng Reverie Beautéderm Home ni Rei. Second year na ito ni Marian bilang endorser ng Beautéderm Home at mukhang forever na siyang endorser ng produkto ni Ms. Rei!

Dahil sa pagbabalik ni Marian, una sa Tadhana at ngayon nga ay sa Sunday PinaSaya, inaabangan na rin ng marami ang pagbabalik ni Marian sa paggawa ng teleserye, at nagpahayag na naman si Marian na next year ay siguradong mapapanood na siyang muli sa isang drama series.

Kung siya ang tatanungin, anong klase o genre ng serye ang susunod niyang gagawin?

Depende sa ipe-present nila.”

Kung siya ang tatanungin ng GMA?

“Iisipin ko, iisipin ko.”

“Pero, kung may gusto akong maka-partner, si Dong ‘yun!”

Huli silang napanood ni Dingdong sa Encantadia noong 2017 pero pareho silang guest lamang; sa isang regular series naman na sila talaga ang magkapareha ay noon pang 2012 sa My Beloved.

Ang tagal na niyon!”

Biro namin kay Marian, araw-araw naman na silang magkasama bilang mag-asawa.

Iba pa rin ‘pag work. Iba pa rin ‘pag may work kasi sa bahay may mga anak kami, eh sa work, work, iba pa rin.”

June 2018 naman ay idinirehe ni Dingdong ang misis niya sa anniversary special ng Tadhana.

Mas inspired si Marian kapag kasama niya ang mister niya sa trabaho?

“Noong idinirehe niya ako sa ‘Tadhana’, may something pa rin, weird pero at least may excitement.”

Kailan nga ba sila muling magtatambal ni Dindong sa isang teleserye?

Iyon ang malaking tanong.”

Pero tila may “patikim” na si Marian sa susunod nilang proyekto ni Dingdong…

Hindi man soap opera baka malay n’yo, iba naman, kasi gusto ko talagang magka-sitcom kasama siya! Sitcom talaga ‘yung gusto ko para light lang.

“At least madadala namin ‘yung mga bata sa set, dito lang sa GMA.

“Iyan ang gusto kong gawin siguro kung magka-comeback ako, sitcom ang gusto ko.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *