Saturday , August 2 2025

‘Sisa’ nabuhay sa nanay ni Kulot

SA labis na pighati, tinakasan ng bait ang na-nay ng 14-anyos na brutal na pinatay at itinapon ang bangkay sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija.

Nawala sa sarili si Lina Gabriel na animo’y si Sisa na nabaliw sa pagkamatay ng anak na si Crispin sa nobelang Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal, nang matunghayan ang bangkay ng kanyang anak na si Reynaldo “Kulot” de Guzman na tadtad ng 28 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakabalot ng masking tape ang mukha.

Nabatid kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, naging “emotionally disturbed”  si Lina dahil hindi nakatulog mula nang mawala ang anak na si Kulot noong 18 Agosto hanggang nakita ang labi na lumulutang sa Kinamatayang Kabayo creek sa Purok Gitna, Brgy. San Roque sa Gapan, Nueva Ecija, na tadtad ng 28 saksak. Nagpatingin na aniya si Lina sa isang psychiatrist at tinutulungan ng PAO na makarekober sa post-traumatic stress na pinagdaraanan bunsod ng trahedya sa pamilya.

Marami ang nakapuna na hindi magkakatugma ang mga pahayag ni Lina nang isalang sa sunod-sunod na panayam sa media, indikasyon ng post-traumatic stress disorder.

Ang kondisyon ni Lina, ani Acosta ang dahilan kung bakit nasabi ng ginang ang umano’y plano ng kanyang anak at ng isa pang binatang napaslang na si Carl Angelo Arnaiz, na mang-holdup ng taxi.

Iginiit ng PAO chief, nang kanyang itanong kay Gabriel kung ano ang basehan sa kanyang pahayag, sinagot lamang daw siya na galing ang impormasyon mula sa mga pulis, media at diyaryo.

Si Kulot ang huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz, ang 19-anyos na dating UP student na pinaslang ng mga pulis sa Caloocan City, bago sila nawala sa Cainta, Rizal noong 18 Agosto.

(ROSE NOVENARIO)

MAGULANG NI KULOT
ISINAILALIM
SA WPP NG DOJ

ISINAILALIM ni Justice Secretary Vitaliano Agui-rre II ang mga magulang ng 14-anyos na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot, sa provisional cove-rage ng Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno.

Inihayag ito ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, na ang tanggapan ay nagkakaloob ng legal assistance sa pamilya ng binatilyo.

Ito ay makaraan sabihin ni Aguirre na nakatanggap siya ng mga ulat na ang mag-asawang Eduardo at Lina Gabriel ay nangangamba sa kanilang kaligtasan.

Si Reynaldo ay natagpuang walang buhay sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija nitong Miyerkoles, ilang araw makaraan matagpuan ang bangkay ni Carl Angelo Arnaiz, ang huling tao na nakitang kasama ng binatilyo, sa isang punerarya sa Caloocan City noong 28 Agosto.

Habang ang mga magulang ni Arnaiz, sina Carlito at Eva, ay dinala sa safehouse makaraan isailalim sa full coverage ng WPP, ayon kay Acosta.

Kabilang sa mga benepisyong matatanggap ng mga testigo sa ilalim ng Act 6981 ay “security protection and escort services, secure housing facility, traveling expenses and subsistence allowance while acting as a witness, and assistance in obtaining a means of livelihood.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *