Wednesday , November 12 2025

Murder vs 3 killer police (Sa pagkamatay ni Kian)

KASONG murder ang isasampa ng pamilya ng 17-anyos na si Kian Delos Santos laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo noong 16 Agosto sa Libis, Baesa, Brgy. 160, Caloocan City.

Ito ang pahayag ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta sa kanyang pagtungo sa burol ni Kian kahapon ng umaga.

Sinabi ng PAO chief, hiniling sa kanila ng pamilya Delos Santos ang re-autopsy dahil wala silang hawak na kopya ng autopsy report mula sa Philippine National Police (PNP) kaya isinailalim ng PAO Forensic Laboratory ang proseso sa bangkay ni Kian, sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe.

Nakita aniya ang mga sugat o trajectory ng dalawang bala sa ulo at isa sa likod makaraan ang apat oras na autopsy, na ang ibig sabihin ay mismong mga sugat ng binatilyo ang ‘magsasalita’ bilang ebidensiya na walang nakitang bakas ng panlalaban.

Ayon kay Acosta, hawak nila ang mga nakuhang basyo ng bala na nagmula sa cal. 9 mm, cal. 45 at cal. 38 baril at ang tsinelas na suot nang mapatay si Kian.

Nabatid na patuloy ang pagsisisyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) habang ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay pumasok din sa imbestigasyon sa kaso ni Kian.

Samantala, hinamon ni Mang Saldy, ama ni Kian, si PNP Chief, General Ronaldo “Bato” Dela Rosa na magpunta sa lugar nila para alamin ang katotohanan kaugnay sa akusasyong siya ay adik at handa aniya siyang sumailalim sa drug test kung hihilingin ng PNP.

ni ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …