Saturday , November 16 2024

5 sugatan sa salpukan ng SUV at owner-type jeep sa Antipolo

LIMA ang sugatan sa banggaan ng isang SUV at owner-type jeep sa Circumferential Road, Brgy. San Jose, Antipolo City, nitong Sabado ng madaling araw.

Kritikal ang kalagayan ni Ruben Posada na naabutan ng rescue team habang nakahandusay sa kalsada.

Samantala, agad naalis mula sa pagkakaipit sa loob ng Mitsubishi Montero Sport (UUI 797) ang driver nito na kinilalang si Jaime Lontoc.

Ang iba pang nasugatan na sakay ng owner-type jeep ay kinilalang sina Ejay Tanierla, Brento Natividad at ang ang driver na si Jeffrey Lapinig.

Ayon sa imbestigasyon, nakahinto ang owner-type jeep sa gilid ng kalsada para isakay ang mga panindang cheesesticks nang bigla na lang bumangga ang SUV.

Pumaikot-ikot muna ang naturang SUV hanggang tumigil nang nakatagilid.

Halos yumakap ang bumper na bahagi ng owner-type jeep sa poste sa lakas nang pagkakabangga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Antipolo police sa naturang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *