DAMANG-DAMA agad ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang init ng pagmamahal ng viewers dahil sa unang araw ng Pebrero ay pumalo agad ang hit action-serye sa pinakamataas nitong national TV rating na 45.9% kontra 18.1% ng kalabang programa, base sa datos ng Kantar Media.
Mas tumaas pa ito sa sumunod na araw, Pebrero 2 na nagtala ang action-drama serye ng 46.7% na rating at record-breaking ito. Talaga namang tinutukan ng mga manonood ang eksena nang rumampa si Cardo (Coco Martin) bilang Paloma upang mahuli ang lider ng sindikato na si Olga (Gina Pareño).
Sa pagpapatuloy ng kanyang misyon, haha-bulin ni Cardo ang yate na kinalalagyan ni Carmen (Bela Padilla) at babanggain ang mga bandidong dumakip sa kanya. Ito na kaya ang pinakahihintay na pagkakataon ni Carmen na makawala sa kamay ng sindikato? Malagay kaya sa panganib ang buhay ni Cardo?
Huwag palampasin ang maaaksiyong tagpo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
Beauty ni Paloma winner na winner gyud!
Ngayong Feb-ibig month
TAMIS NG PAG-IBIG MATITIKMAN SA PAGBABALIK-PRIMETIME NINA LIZA AT ENRIQUE SA “DOLCE AMORE”
Mula sa tagumpay ng kanilang toprating series na “Forevermore” muling sasabak sa primetime ang isa sa pinakamaiinit na love teams sa bansa – ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil – para ipatikim ang tamis ng pag-ibig sa kanilang pinakabagong romantic drama series na “Dolce Amore.”
Matapos nilang paibigin at mapatunayan sa buong bansa na may forever, nagbabalik ang LizQuen sa “Dolce Amore,” isang kwento ng dalawang taong pinagbuklod ng tadhana at ng parehong paghahanap nila sa kanilang tunay na katauhan.
“It’s a project I think almost everyone will be able to relate to. It’s about finding your identity and finding love, and the story is just so fun and uplifting,” pahayag ni Liza.
Gaganap si Liza bilang si Serena, isang da-lagang lumaki sa Italy sa piling ng mag-asawang umampon sa kanya. Bagama’t kinagisnan ang isang marangyang buhay, pilit niyang hahanapin ang isang nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao – ang kanyang pinagmulan. Hindi rito nalalayo ang kuwento ng buhay ni Tenten, na ga-gampanan naman ni Enrique. Isang raketerong lumaki sa ampunan, gagawin ni Tenten ang lahat para sa pamilyang kumupkop sa kanya. “It’s a ‘peasant meets a princess’ kind of feel. It’s a very light teleserye, like what we all love –parang sa ‘Forevermore,” sabi naman ni Enrique.
Bukod sa “Forevermore,” tumawid din ang tagumpay ng kanilang team-up sa takilya dahil naging certified box-office hits ang “Just the Way You Are” at “Everyday I Love You” na pinagbidahan nila.
Dagdag ni Liza, mas magle-level up ang kilig sa kanilang tambalan sa “Dolce Amore,” at bilang mga aktor ay mas magiging bukas sila sa pag-eeksperimento sa kanilang mga karakter.
Magtatagpo ang mundo nina Serena at Tenten sa pagpunta ni Serena sa Filipinas, isang bansang naririnig lamang niya mula sa kuwento ng Pinay na yaya na nagpalaki sa kanya. Mula sa hindi inaasahang pagkakakilala, sabay nilang hahanapin ang kanilang mga tunay na sarili at matatagpuan ang pag-ibig sa isa’t isa.
Kabilang din sa cast si Matteo Guidicelli, na gaganap bilang si Giancarlo, ang best friend ni Serena na may lihim na pagtingin sa kanya. Makakasama naman ni Liza sina Cherie Gil (Luciana) at Ruben Maria Soriquez (Roberto) bilang kanyang adoptive pa-rents, habang bubuuin naman nina Edgar Mortiz (Dodoy), Rio Locsin (Paps), at Kean Cipriano (Binggoy) ang simple ngunit masayang adoptive family ni Enrique sa serye. Kasama rin sa cast sina Sunshine Cruz, Andrew E, at Frenchie Dy.
Huwag palampasin ang “Dolce Amore” nga-yong Pebrero sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.
HOTLINE BAE NI ALDEN SA EAT BULAGA PINAG-UUSAPAN, BAGONG SEGMENT NAMIMIGAY NG LIBO-LIBONG CASH ARAW-ARAW
Very lucky, ang studio audience ng Eat Bulaga sa Broadway Studio dahil sa bagong segment na “Hotline Bae” ng Pambansang Bae na si Alden Richards kasama ng anim na naguguwa-pohang produkto ng That’s My Bae at siyempre may participation rin dito ang kalabtim ni Alden na si Yaya Dub.
Instant ay apat na studio audience ang puwedeng manalo ng 5K each na pagda-ting sa jackpot round ay isa ang puwedeng magwagi ng 50K kapag na-perfect na masagot ang anim na pinahuhulaang di-git kung ito ba’y higher, lower o same?
Bonus pa sa kalahok ang makausap sa cellphone ang sikat na comedy actress na si Yaya Dub. Kung ano ang total amount ng napanalunan ng Dabarkads na naglaro sa jackpot round ay ito rin ang ibibigay at matatanggap ng apat na Dabarkads sa studio audience na mabubunot ang hawak nilang kulay na red, blue, green at yellow.
Pinag-uusapan na kahit saan ang Hotline Bae ni Alden.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma