YES sa mga hindi aware, tulad ni Regine Velasquez ay nanggaling rin si Martin Nievera sa isang singing talent search sa abroad.
Pero mas popular lang ‘yung sinalihan ni Regine noong 80s na “Bagong Kampeon” na itinanghal na kampeon ang ating Asia’s Songbird.
Kaya naman tuwing may nakakasama sina Regine at Martin na mga baguhang singers na produkto rin ng singing contest ay nakare-relate sila dahil nakikita nila ang mga sarili nila sa kanila.
Tulad ng mga makakasama nila sa kanilang concert na “Royals” na sina Erik Santos at Angeline Quinto na kapwa lumikha ng pangalan sa music industry matapos manalo sa mga sinalihang singing competition sa ABS-CBN. Heto’t katrabaho nila sa Royals ang tinaguriang Philippine Prince of Pop (Santos) at Queen of Teleserye Themesongs (Ms. Quinto) at parehong ipinakita nina Regine at Martin ang suporta nila sa mga nasabing co-artist at napa- bilib sila sa husay ng dalawa na bihasa na rin pagdating sa live concerts. Dahil malakas ang hatak ng apat ay pareho nang sold-out ang VIP tickets para sa kanilang MOA Royals concert sa February 13 at sa February 14 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Siyempre makaaasa ang lahat na pasasayahin sila nina Regine, Martin, Erik at Angeline sa Valentine concert nila na ididirek ni Rowell Santiago at Homer Flores & Raul Mitra bilang musical directors ng show.
Ang Royals, ay produced ng Starmedia Entertainment at I-Music Entertainment na co-presented ng PLDT.
Kabilang sa sponsors ang Belo Medical Group, GAOC Dental, Luxent Hotel, Pacific Blue Shades and Watches, McDonalds, Midas Hotel, Farlin Baby Products, Zim Cleanser, PCSO, Amber Restaurant, Pacer Travel Services, Philippines Airlines etc.
Beneficiary ng show ang Congregation of the Little Sisters of the Poor. Ang ticket para sa February 13 Mall of Asia Arena show ay mabibili at available sa SM Tickets (all branches/online at www.smtickets.com/470-2222) at sa Waterfront Cebu na available naman ang tickets sa
SM City Cebu Customer Service Counter, Ayala Center Cebu Concierge and Waterfront Concerts and Events Counter. For reservations, pls call TSE Live, Inc at (0925) 520-0222/(032) 232-6888.
This is for the lovers gyud!
EVERYTHING ABOUT HER NG STAR CINEMA DEKALIDAD ANG ISTORYA
Pelikula patuloy na pinipilahan sa mga sinehan sa Pinas, Amerika, Canada at Saipan
Mapa-ordinaryong moviegoers, celebrities at film critics, lahat nagkakaisa sa ganda ng materyal at pagkakagawa ni Bb. Joyce Bernal sa “Everything About Her.”
Kapuri-puri ang pelikula at isa itong dekalidad na obra ng Star Cinema. Hindi lang ang buod ng kuwento ang hahangaan sa pelikula kundi maging ang portrayal ni Gov. Vilma Santos bilang Vivian, na makapangyarihang CEO ng kanyang kompanya na impakta ang ugali pero sa huli ay ipinakita naman ang other side ng kabutihan sa kapwa.
Si Angel Locsin ay jologs ang role at walang alam sa mga tamang breeding basta kung ano ang gusto ng inaalagaang si Vivian, may stage 3 cancer ay sinusunod niya. Very natural ang acting rito ng actress at hindi malayong tumanggap siya ng acting award.
Doon naman sa minimenos ang kakayahan ni Xian Lim, bilang aktor, kapag napanood ninyo si Xian sa “Everything About Her,” siguradong mababago ang pagtingin ninyo sa kanya na nag-evolve nang husto ang pagiging aktor at masasaksihan ninyo ito sa mga drama scene na ginawa nila ni Ate Vi, na mother niya sa film.
Graded A ng Cinema Evaluation Board at Rated GP (General Patronage) ng MTRCB, kumita ng P15 million sa unang araw na pagtatanggal ang nasabing movie at patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan sa Pinas ganoon na rin ang international screenings sa US, Canada at Saipan.
TRAFFIC DIVA CELLE SANTOS NAMIMIGAY NG DATUNG SA COMMUTERS ARAW-ARAW
Nasaksihan namin mismo ang pagsampa sa jeepney at truck ng tinaguriang “Traffic Diva” na si Aicelle Santos para sa isa sa kinaaliwang segment ng ating mga Dabarkads sa Eat Bulaga.
Sikat ang segment na ito ni Aicelle na tuwing tanghaling tapat ay nasa gitna ng kalsada sa kahabaan ng Aurora Blvd., sa tapat ng Broadway Centrum para magbigay-aliw at saya sa televiewers. Kapag red light na, ibig sabihin ay nakahinto ang lahat ng mga sa- sakyang dumaraan sa lugar. Doon na sasampa si Aicelle at maghahanap ng pasahero sa jeep, o kaya driver ng iba’t ibang sasakyan atbp., na kanyang pakakantahin nang solo saka magsasabay sila tapos pahuhulaan niya ang titulo ng kanilang kinanta.
Kapag nasagot ito ng napiling contestant, presto mananalo siya ng P5,000 cash. Dalawa ang puwedeng magwagi ng 5K daily sa masayang portion na hatid ni Traffic Diva at ng Bulaga.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma