Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa U.S. may armadong seguridad sa mga simbahan

 

070815 gun bible

PATAPOS na ang Sunday service, ngunit bago ito magwakas, pinangunahan ni Bishop Ira Combs ang kanyang kongregasyon ng 300 katao sa Greater Bible Way Temple sa panalangin. Ang pamamaril na pumatay sa siyam na indibiduwal sa Charleston church ay hindi dapat maganap dito, tiniyak niya sa kanyang mga pinapastol.

“Kung mayroon kaming seguridad, hindi sana nakapag-reload ang gunman,” deklara ni Combs. “Lahat tayong naririto ay hindi ibibigay ang kabilang pisngi habang binabaril.”

Habang nagbibigay ng banal na aral, nakapuwesto sa kanya ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ng pulpito, parehong armado ng mga baril sa ilalim ng kanilang suit coat. Ang iba pang mga miyembro ng simbahan ay ipinakalat sa paligid bilang security team.

Walang alam ang mga sumamba kung sino-sino ang armado at kung sino ang hindi – ito’y isang undercover approach na bahagi ng security plan ng Charleston church.

“Hindi kami naghahanap ng karahasan, pero ipapatupad namin ang batas,” ani Combs bago ang church service. “At mag-i-interdict kami kapag may taong dumating na may armas.”

Ang madugong pamamaril sa simbahan sa Charleston, South Carolina noong Hunyo 17 ay nagbunsod ng mainitang debate ukol sa tinaguriang ‘hate crimes,’ ang paglalagay ng Confederate flag, at gun control.

Noong 2013, isang lalaki ang bumaril kay Ronald Harris, isang pastor sa Lake Charles, Louisiana, habang nagsesermon sa mga nagsisimba. Isang taon bago nito, isa ring gunman sa Sikh Temple sa Oak Creek, Wisconsin, ang pumatay sa anim na tao. Kasunod nito noong 2009, isa pang small-town pastor, si Fred Winters ang binaril habang nangangaral sa pulpito sa kalagitnaan ng morning service sa Maryville, Illinois.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …