MAAARING petty sa ilan, pero bakit pinalampas ni direk Andoy Ranay ang at least dalawang eksena sa nagtapos nang Ang Dalawang Mrs. Real despite glaring lapses in the usage of English?
Natutukan namin ang second to the last episode ng naturang teleserye ng GMA, na in one scene ay dumalaw si Celeste Legaspi sa lamay ni Jaime Fabregas.
Eksena ‘yon nina Celeste at Coney Reyes, isang mahinahong biyuda (Coney) asked her balae (Celeste) kung bakit hindi nito kasama si Robert Arevalo, father of Maricel Soriano.
Ani Celeste, wala raw kasing mukhang ihaharap ang kanyang asawa, but he (Robert) was sending his condolences.
Speaking of the word “condolence,” ang tamang pagbigkas nito ay condol’ence na ang diin o accent ay nasa second syllable. But the way Celeste pronounced it, nasa first syllable ang accent. Huwag na sigurong si direk Andoy ang sumigaw ng, “Cut!” over the mispronunciation, ang kaeksena ni Celeste na si Coney—a communication arts graduate at that—could have politely corrected the singer.
Better yet, sa rehearsal pa lang before the actual take, siguro naman ay napansin both nina Coney at Celeste ang boo-boo na ‘yon.
In yet another scene, sa loob naman ng courtroom ang setting. Nililitis na kasi ang kasong bigamy ni Dingdong Dantes. Again, sa dami ng mga extra roon—puwera pa ang all-star cast ng teleserye—how come nakalusot ang linya ng tumatayong judge (whose name slipped our mind, pero taga-UP Diliman siya) na may salitang “evidences”?
FYI, walang plural form ang naturang salita except when you say “pieces of evidence,” tulad ng pieces of advice or pieces of furniture.
The TV workers always say na matatalino na ang mga manonood, and we do certainly agree. Kung hindi ba naman, mapapansin ba ang mga boo-boo na ‘yon na maaaring sa iba ay wala namang kakuwenta-kuwenta?
Sa kanila, wala; pero sa amin, big deal ‘yon!