Tama na ang drama Mr. Bong Revilla
MUKHANG hindi pa rin nagigising sa katotohanan s Mr. Bong Revilla, Jr.
Akala yata niya hanggang ngayon ay nagso-shooting pa rin siya ng pelikula.
Kamakalawa, sa kanyang pagsuko with heavy drama sa Sandiganbayan, isinama niya ang kanyang buong pamilya hanggang sa kanyang mga apo.
Sinamahan siya ng kanyang pamilya patungong Sandiganbayan na animoβy isang bayani na iprino-prosecute ng mga kalaban …
Ang kanya namang misis, tila isang dramatic actress na hindi na-recognize at hindi nabigyan ng award kungΒ makaiyak sa Sandiganbayan.
Ay talaga naman kayong mag-asawang artista o, ang gagaling ninyong umarte. Okey lang βyan … ikaw naman ang topnotcher sa pork barrel βscam e.
Bukayong-bukayo na! At mismong ikaw pa, Mr. Senator but now no more, ang nagkompirma kay Commission on Audit (CoA) Chairperson Grace Pulido-Tan na pirma mo nga ang nasa dokumento nang minsang tanungin ka di ba?
Tapos ngayon sasabihin ninyo napolitika kayo ng Palasyo?
Kumusta na pala ang mansion mo sa Bacoor kung nasaan ang alaga ninyong TIGER? Talaga naman, pang-rich and famous na talaga ang lifestyle ninyo …
βYung mansion mo sa Ayala Alabang, pirmis na ba ang renovation o marami ka pang ipinadadagdag?
βYung lupa sa tapat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Macapagal Avenue, ano na ang plano ng pamilya ninyo? May itatayo na ba kayong negosyo diyan?
Kunsabagay, mapag-iisipan mo na nang husto βyan kapag nahoyo ka na sa Crame … tiyak na mas marami ka nang magiging oras doon para mag-isip lalo na kapag humaba-haba ang βpagbabakasyonβ mo.
O kaya naman, baka maakabuo ka ng script at makagawa ng sequel ng βAng Panday.β
Bilinan mo na lang si Esmi na kumuha ng magaling na accountant habang siya ay naglilingkurang congresswomanΒ … baka kasi mapasunod pa siya sa iyo sa Crame kapag hindi niya inayos ang accounting ng kanyang opisina …
Ayos ba, Mr. Senator?
Ikaw naman kasi, ang laki na ng kinikita mo sa pag-aartista βe nagpolitiko ka pa. Ayan tuloy … Pero sabi nga sabi nga βe you must face the consenquences of your previous decisions.
βYan βe di face the hard wall ka … hindi naman literal na himas-rehas βdi ba?
Good riddance este good luck na lang sa hoyo!
[divider]
P150-M KONTRATA NI CEDRIC LEE SA NAIAKANSELAHIN NA!
NGAYONG nahaharap sa isang mabigat na kaso (may tax evasion case pa) si Cedric Lee, hindi kaya manganib din ang nakuhaΒ niya P150-M kontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa repair ng parapet walls, attic, kisame, at ang elevated roadway ng NAIA Terminal 1?!
Si Cedric ang kasalukuyang chairman of the board at president ng Izumo Contractors Inc., na nakakopo βeste nakakuha sa nasabing P150-M kontrata na dapat ay nagsimula noong October 2013 na popondohan ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Hindi pala ito kasama sa pondo ng Department of Transportation and Communications (DoTC) para sa P1.3 billion rehabilitation ng Terminal 1.
Ibig sabihin, direkta sa MIAA ang project ni Cedric Lee. Ang bigat mo talaga, Cedric boy!
Ngayon ang concern lang natin βe, kaya kayang tapusin ni Cedric ang kanyang kontrata sa MIAA kung ganyang nakahoyo na siya?!
βE sa totoo lang hanggang ngayon e hindi pa tapos ang nasabing repair gayong sa kontrata βe nakalagay na walong buwan lang dapat (October 2013 to June 2014).
E paano na ngayon βyan?!
SoJ Leila de Lima, mapunta kaya sa wala ang P150-milyones pondo ng MIAA?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]

