Friday , November 8 2024

Maraming salamat sa inyong lahat — QCPDPC

1 SETYEMBRE 2017, ang petsang masasabing maibibilang sa kasaysayan ng Quezon City Police District Press Corps, isang asosasyon ng mamamahayag mula sa iba’t ibang media entity – diyaryo, telebisyon at radio na pawang nakatalaga sa lungsod para bantayan at iulat sa mamamayan ang araw-araw na nangyayari sa Kyusi partikular ang trabaho ng pulisya.

Bagamat prayoridad ng QCPD Press Corps ang pag-uulat hinggil sa mga nangyayaring krimen sa lungsod, kabilang din sa assignment ng karamihang miyembro ng asosasyon ay pag-uulat hinggil sa mga pangyayari sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na matatagpuan sa lungsod, tulad ng Ombudsman, LTO, LTFRB, QC Hall, PDEA at iba pa.

Iyan po ang isa sa layunin ng QCPD Press Corps bukod sa pagbubuklod-buklod sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Quezon City.

Hindi malilimutan ang 1 Setyembre makaraan ang matagumpay na isinagawang induction ceremony ”oath taking” para sa mga bagong halal na opisyal ng asosasyon para sa taong 2017-2018.

Kabilang sa mga nanumpa sina Rod Vega ng DZBB bilang Vice President; Analy Labor (Daily Tribune), Secretary; Nonoy Lacza (Business Mirror) Treasurer; Boy Santos (Philippine Star) Auditor; Fred Salcedo (DWAD) PRO; Mark Balmores (Manila Bulletin) at Mike Taboy (Abante) Sgt @ Arms.

Habang ang Chairman of the Board ay si Jan Sinocruz ng Remate at ang mga miyembro ng board of directors ay sina Val Leonardo (Remate); Danny Querubin (Remate); Jun Mestica (Remate); Rolly Salvador (Malaya); Val Gonzales (DZRH); Alex Mendoza (Hataw); Edgar Rabulan (Remate); Mike De Juan (Manila Times).

Ang inyong lingkod naman ay muling naihalal bilang pangulo. Ito na ang aking ika-13 taon sa pagkapangulo. (Congratulations Almar, keep up the good work – Ed)

Sa mga miyembro ng press corps, maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala.

Naging matagumpay ang induction ceremony matapos manumpa ang mga inihalal kay National Press Club president Paul Gutierrez. Sinaksihan ito ni QCPD District Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na adviser rin ng press corps. Siyempre, saksi rin dito ang mga bisita sa okasyon.

Ang panunumpa ng mga bagong opisyal sa kanilang posisyon ay isa lamang sa bahagi ng okasyon. Ikinokonsiderang pinaka-high lights ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga patuloy na sumusuporta sa press corps.

Suportang hindi lamang para sa pisikal na pangangailangan ng organisasyon kundi suporta sa bawat miyembro na may pangangailangang personal.

Kabilang sa pinarangalan sina C/Supt. Eleazar; Jerry S. Yap, ALAM chairman at Hataw publisher; Benny Antiporda, SBMA director at Remate publisher; NPC president Gutierrez dalawang NPC director na tumayong Comelec noong nakaraang press coprs election na sina Alvin Murcia at Boying Abasola.

Habang sa pulisya naman, binigyan halaga ng press corps ang naiambag nila sa walang sawang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga pangyayari sa lungsod kaugnay sa kanilang mga isinagawang iba’t ibang operasyon bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Digong laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Supt. Rodel B. Marcelo, CIDU chief; Supt. Rogarth Campo, DSOU chief; Chief Insp. Tito Jay Cuden, PIO chief; Supt. Igmedio Bernaldez, PS 2 chief; Supt. Danilo Mendoza, PS 3 chief; Supt. April Mark Young, PS 4 chief; Supt. Lito Patay, PS 6 chief (now assigned at CIDG); Supt. Pedro Sanchez, PS 10 chief; Supt. Christian Dela Cruz, PS 11 chief; Supt. Cipriano Galanida, TEU chief; C/Insp. Marciano De Leon Navarro, Dep. Chief, PS 11; C/Insp. Manolo Refugia, TEU sector 4 chief; C/Insp. Rolando Lorenzo, QC Hall Police Detachment chief; PO3 Reynaldo Lara at PO3 Willy Trojillo, kapwa nakatalaga sa PS 10 Station Drugs Enforcement Unit.

Congratulations sa inyong lahat.

Sa mga patuloy na sumusuporta sa QCPD Press Corps, maraming salamat.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *