Gerry Baldo
January 16, 2023
Basketball, Front Page, Gov't/Politics, News, PBA, Sports
IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra. Si Brownlee ay isang resident import ng Barangay Ginebra na nag-apply ng Filipino citizenship. Naging ganap na Pinoy si Brownlee matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Republic Act (RA) No. 11937. Ang House Bill (HB) No. 6224 …
Read More »
hataw tabloid
January 16, 2023
Local, News
PINASALAMATAN ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay ang mga dumalong pamilya ng mga na-promote na pulils bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga asawa, anak, at kapatid. Kasabay nito, pinaalalahanan ng opisyal na ang pagtaas ng ranggo ay kaakibat ang responsabilidad sa bayan at sakripisyo sa serbisyo. Nauna rito pinangunahan ni Baccay ang Simultaneous Oath-Taking at Donning at Pinning of …
Read More »
hataw tabloid
January 16, 2023
Local, News
INALERTO ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at ng Municipal DRRM Council ng Santa Ana, Cagayan ang mga residente kaugnay sa mga debris mula sa rocket ng China na Long March 7A na maaaring mahulog sa dagat na sakop ng munisipalidad. Ayon kay Rueli Rapsing, PDRRMO officer-in-charge, ipinag-utos sa kanila ng National Disaster Risk Reduction and …
Read More »
hataw tabloid
January 16, 2023
Local, News
DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nabistong may dalang marijuana sa gitna ng pagdiriwang ng 2023 Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo, lalawigan ng Aklan, nitong Linggo, 15 Enero. Kinilala ng Kalibo police ang mga suspek na sina Glenn Reyes, 48 anyos, at Niño Dela Cruz, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. Andagao, sa naturang bayan. Nabuko …
Read More »
Micka Bautista
January 16, 2023
Local, News
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 10 indibidwal sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 14 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dinakip ang anim na personalidad sa droga sa iba’t ibang buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Baliwag, …
Read More »
Micka Bautista
January 16, 2023
Local, News
NASAMSAM ng mga awtoridad ang kahon-kahong pekeng sigarilyo na handa na sanang ikalat sa iba’t ibang pamilihan ngunit nadakip ang isang indibidwal sa inilunsad na anti-criminality operations sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado ng umaga, 14 Enero. Sa ulat mula kay P/Col. Richard Caballero, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 10:15 am kamakalawa, nagsagawa …
Read More »
Micka Bautista
January 16, 2023
Local, News
TINIYAK ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC), mabibigyan ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat, at abot-kayang halaga ng tubig ang halos 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025. Ito ay kapag natapos ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San …
Read More »
Maricris Valdez Nicasio
January 15, 2023
Entertainment, Events, Music & Radio
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW ng isa sa mga producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na si Joed Serrano na hindi totoong mahina ang bentahan ng tiketng I Am Toni na magaganap sa January 20 sa Smart Araneta Coliseum. Giit ni Joed, mahigit 50 percent na ang naibentang tickets sa I Am Toni concert ni Toni at may 15 percent pa ang hindi nabibili. Pinakiusapan …
Read More »
John Fontanilla
January 13, 2023
Entertainment, Events
MASAYANG-MASAYA ang ex PBB Otso Housemate na si Art Guma dahil isa ito sa binigyang parangal sa katatapos na Gawad Dangal Filipino Awards 2022 bilang Most Outstanding Young Actor at Host of the Year. Vert thankful si Art sa pamunuan ng Gawad Dangal Filipino sa recognition na ibinigay sa kanya, lalong-lalo na sa founder nitong si Direk Romm Burlat. Nagpapasalamat din si Art sa kanyang management, ang PAC Entertainment Production at PAC Artists …
Read More »
Jun Nardo
January 12, 2023
Entertainment, Events, Music & Radio
UNIQUE na unique ang title ng coming concert ng composer na si Louie Ocampo na magsisilbing 45 years niya sa music industry. Ang title ng concert? Composer Ka Lang na gaganapin sa February 4 and 5, 2023 sa The Theater sa Solaire. Kuwento ni Louie sa kanyang presscon, hanash ng isang talunang singer na babae sa kanyang social media account ang linyang ‘yon. “Eh constant siya …
Read More »
hataw tabloid
January 12, 2023
Entertainment, Events, Movie
TALUNAN man sa Golden Globes ang kababayan nating ni Dolly de Leon, makasaysayan naman ang nominasyong nakuha niya bilang first Pinay actress na ma-nominate. Ang Hollywood actress na si Angela Bassett para sa pelikulang Black Panther: Wakanda Forever ang nagwagi sa seremonyas na ginawa sa Beverly Hills Hilton Hotel sa California. Of course, isa kami sa proud sa nominasyon ni Dolly and hopefully, mabigyan din siya ng nomination …
Read More »
hataw tabloid
January 12, 2023
Local, News
TINUPOK ng apoy nitong Martes ng gabi, 10 Enero, ang hindi bababa sa 30 bahay sa sunog na naganap sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite. Ayon sa spot report ng CALABARZON police, nagsimula ang sunog dakong 6:10 am kamakalawa at natupok ang isang residential area sa Brgy. Paliparan Site 3. Sa ulat ng pulisya, biglang may narinig na malakas …
Read More »
hataw tabloid
January 12, 2023
Local, News
SUGATAN ang limang menor de edad, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinsala sa kanilang mga ulo matapos mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) ang kanilang sinasakyang motorsiklo nitong Martes ng umaga, 10 Enero, sa bayan ng Cordon, lalawigan ng Isabela. Ayon sa pulisya, minamaneho ang motorsiklo ng isang 12-anyos batang lalaki habang angkas ang …
Read More »
hataw tabloid
January 12, 2023
Local, News
ISINISI sa masamang lagay ng panahon, kaya ikinansela ang mga biyahe at pansamantalang isinara ang Zamboanga International Airport, sa lungsod ng Zamboanga nitong Miyerkoles, 11 Enero. Ani Jimmy Santos, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sarado ang runway sa mga fixed-wing aircraft dahil sa pagbaha kaya kanselado ang mga commercial flights kahapon. Dagdag niya, inilipat ang mga …
Read More »
Micka Bautista
January 12, 2023
Local, News
SUNOD-SUNOD na naaresto ang 18 indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas sa walang humpay na police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 11 Enero. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, unang inaresto ang pitong personalidad sa droga sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit …
Read More »
John Fontanilla
January 11, 2023
Entertainment, Events
MATABILni John Fontanilla NAGING matagumpay ang victory party ng Noble Queen of The Universe winners na ginanap last January 6 sa Windmills and Rain Forest, Quezon City na pinangunahan ng founder nitong si Ms.Eren Noche at ng International Director nitong si Patricia Javier. Present din ang actress, businesswoman, at politician na si Cristina Gonzalez (Noble Queen of the Universe 2022), Leira S Buan (Noble Queen International BOD/LTD 2022), Marjorie Renner (Noble …
Read More »
John Fontanilla
January 11, 2023
Entertainment, Events
MATABILni John Fontanilla ITINANGHAL si Patricia Javier bilang kauna-unahang Aqua Queen Ambassador of the Ocean 2022 na ginanap last January 6 sa Windmills & Rainforest sa Quezon City. Si Patricia ay kinorohanan ni Ms Eren Noche ang Founder of Aqua Queen of the Universe. Ito bale ang pangatlong korona ni Patricia na ang una ay ang Noble Queen of the Universe-Philippines 2019 at nasundan ng Noble Queen of the Universe …
Read More »
Jun Nardo
January 11, 2023
Entertainment, Events, Music & Radio
I-FLEXni Jun Nardo ANG pangit naman ng ibinabatong balita ngayon tungkol kay Toni Gonzaga, huh. Kumakalat ang tsismis na namimigay daw ng tickets si Toni para sa kanyang coming concert, huh! Juice ko naman, gagawin ba naman ni Toni ‘yon mapuno lang ang venue? Pero hindi lang ang concert ni Toni ang may ganitong tsismis. Pati nga raw tiket sa sinehan …
Read More »
Micka Bautista
January 10, 2023
Local, News
Inaresto ng intelligence operatives ng Baliwag City Police Station (CPS) ang dalawang indibiduwal sa inilatag na entrapment operation sa Brgy.Bagong Nayon, Baliwag City, Bulacan kahapon, Enero 9. Ang dalawang arestado ay isinasangkot sa mga reklamong Swindling/Estafa, Robbery Extortion at Falsification of Public Documents. Ayon sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang entrapment operation …
Read More »
hataw tabloid
January 10, 2023
Entertainment, Events, Movie
MASAYANG ibinalita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman lawyer Romando Artes na naabot nila ang P501-M target gross sales sa pagpapalabas ng walong pelikula para sa Metro Manila Film Festival. Ani Artes, “We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P501-million considering that we are still recovering from the impacts of …
Read More »
hataw tabloid
January 10, 2023
Entertainment, Events, Movie
MAGANDANG simula at pagsalubong sa 2023 ang pagsasanib-pwersa ng nangungunang talent management na Star Magic at ng game-changer film outfit, ang Mavx Productions. Ang pagsasama ng dalawa ay parte ng year long celebration ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya. Sa pamamagitan nito, nakatutulong ito para pataasin ang sining at self-discovery, paghilom, at pag-asa sa pamamagitan ng tatlong mga pelikula na pinangungunahan ng ilan sa …
Read More »
Maricris Valdez Nicasio
January 10, 2023
Entertainment, Events, Movie
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Kylie Padilla na hindi niya inaasahang makagagawa ng pelikula kapareha si Gerald Anderson na isang Kapamilya. Magkasama ang dalawa sa Unravel, collaboration project ng Star Magic at MavX Productions na idinirehe ni RC delos Reyes na mapapanood sa mga sinehan. Bumilib naman si Gerald sa pagiging propesyonal at pagiging matapang ng anak ni Robin Padilla. Parehong first time magkatrabaho sina Gerald at Kylie pero hindi naman …
Read More »
Maricris Valdez Nicasio
January 9, 2023
Entertainment, Events, Movie, Showbiz
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALATANG pigil na pigil ni Carlo Aquino na maiyak pero hindi niya napigil mangilid ang kanyang luha nang magkuwento ukol sa hindi nila pagkikita ng kanilang anak. Ani Carlo nang makausap namin sa media conference ng I Love Lizzy kasama si Barbie Imperial na mapapanood sa mga sinehan simula January 18, isa sa tatlong bonggang collab ng Star Magic at MavX Productions na November last …
Read More »
Micka Bautista
January 9, 2023
Local, News
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa Central Luzon kabilang ang tatlong pinaghahanap ng batas at anim na hinihinalang tulak sa pinaigting na kampanya laban sa kriminilidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon ng umaga, 8 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, natunton at nadakip …
Read More »
Micka Bautista
January 9, 2023
Local, News
DAHIL sa patuloy na pag-ulan, dala ng hanging Amihan, kinailangang magpakawala ng tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan ng Bulacan kung kaya inilikas ang may kabuuang 3,096 residente patungo sa mga itinalagang evacuation center sa bawat komunidad na pinagkalooban ng family food packs mula sa pamahalaang panlalawigan. Sa pangunguna ng Bulacan Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na …
Read More »